SHADON’s POV Narinig ko na ang mga gusto kong marinig kagabi kahit may mga katanungan. Alam ko sa sarili ko na ako pa rin ang dahilan at mahal niya ako kaya hindi siya tumuloy papuntang ibang bansa. Kaya rin hindi ako nagsalita noong time na galit si Diane, dahil ayaw kong makapagbitiw sa kanya ng salita na balang araw ay mahihirapan akong bawiin. Kinontrol ko ang sarili ko para walang masasakit na salita ang mamutawi sa aking bibig. Galit ako, nagtatampo ako, ayaw ko muna siyang makausap noong mga araw na iyon pero alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya. Sadyang mas malakas ang hatak sa akin ng pagtatampo. Pero ang lahat ng iyon ay natunaw dahil mahal pa rin ako ni Diane – ng aking Misis. Pinakawalan niya ang pangarap na noon pa niya gustong abutin para sa akin, kaya

