SHADON’s POV Sinumpong na naman ng toyo ang Misis ko. Kanina sinasabihan kong palitan ang suot dahil nasa labas kami, nag-walk-out. Nagtungo sa kanyang silid at iniwan ako. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto niya, saka naman nagbihis. Kung kailan kaming dalawa lang at walang ibang makakakita saka siya nagbihis at nagsuot ng bra. Pati ang shorts ay pinalitan ng jogging pants. “Ano pang ginagawa mo d’yan? Matutulog ka ba? Lalabas na ako ng kwarto. Siguro naman pwede na itong suot ko?” may pairap pa ito sa akin. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Hindi pa kami okay at heto siya nagyayaya na siya sa labas ng kwarto. Pangit ngang malaman na pumapasok ako sa room niya pero nagsabi naman ako sa parents niya. Sinabi kong titingnan ko at baka hindi umiinom ng gamot. Kaya pinayagan naman nil

