SHADON’s POV Inabala ko ang sarili ko sa madaming bagay. Nakakabalita naman ako tungkol sa aking misis sa pamamagitan ng parents niya. Open naman ako sa kanila kaya anytime ay nakakapagtanong ako. Sinabi ko rin ang plano ko para sa kanyang graduation. Pwedeng magalit sa akin ang aking misis pero sana huwag niyang maisipan na basted-in ako. Hindi naman iyon ang gusto ko. Ang nais ko lang naman ay ma-miss niya ako. Pero mukhang hindi yata dahil hindi rin niya ako minemessage. Kahit na gustung-gusto ko sana siyang puntahan sa bahay nila, pinigilan ko ang sarili ko tulad nang pagpipigil ko lag isa tuwing kasama ko siya. “Malapit na misis.” Wika ko sa hangin bago ako matulog. Nang malaman kong nakapasok na sa loob ng pagdadausan ng graduation ay lumapit na ako sa Daddy niya. Sa labas kam

