DIANE’s POV Akala ko kung ano ang gagawin namin ni Shadon at kanina pa niya ako niyaya na pumasok na kami sa loob ng bahay. Nakilala ko na ang lahat ng kamag-anak niyang naririto. Halos mapatakbo na ako sa bilis niyang maglakad. “Mister, ano bang gagawin mo rito sa loob? Kanina ka pa nagyayaya.” Sambit ko pagbukas niya sa isang pinto. Hindi ko alam kung anong meron rito dahil hindi naman ito ang pinasok namin kanina. Nasa may second floor na itong kwarto. Kanina ay nasa may ibaba lamang. “Misis, hindi ko na kakayanin pa kung uuwi pa tayo sa bahay natin. Kaya dito na muna tayo. Pinaayos ko na rin naman ito kay Manang Crising, para anytime na matutulog tayo rito ay okay na itong kwarto.” Naghubad na ito ng mga suot niya. “Mister, nandoon pa sila sa labas. Baka hanapin nila tayo.” Sum

