DIANE’s POV Naalimpungatan ako, dito ako sa sofa natulog dahil may ubo at sipon ang asawa ko. Mag-a-apply ako ng trabaho kaya dapat wala akong ni ano mang nararamdaman sa aking katawan. Kaya para sure ako, lumayo ako kay Shadon. Isa na rin itong paraan para makaiwas ako sa kaniya dahil panay pa rin ang pahiwatig niya kahit nagsabi ako sa kaniya na one month. Baka ako rin ay bumigay agad kaya mas mabuto na rin ang ginawa niyang pag-arte. Alam kong umaarte lang siya. Halata naman na pilit na pilit ang pag-ubo niya. Pati ang sinasabi niyang sisipunin siya ay kaduda-duda naman. Nakapagpalit naman siya ng damit kanina. Napunasan naman ang katawan niya. Pwede siyang lamigin dahil hindi niya hinubad ang shorts niya. Pero dahil nakainom din naman siya agad ng gamot ay alam kong hindi siya magkak

