DIANE’s POV “Misis, hindi na ako tutuloy sa bahay ni Kap. Umuwi na lang tayo sa bahay. Tayong dalawa na lang ang mag-mating. Baka may maganda pa tayong mabuo. Kung hindi little Diane, baka little Shadon, o kaya ay pareho natin.” Inayos na niya ang damit ko. Sinuotan na niya muna ako ng damit at baka nandoon pa raw si Nay Lynda sa bahay nila. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kiligin sa sinasabi niya. “Sure ka, Mister ko?” tanong ko pa sa kanya. Ang tinutukoy ko ay ang tungkol sa kandidatura niya. “Oo naman, Misis ko. Walang kasingsarap kapag ikaw ang kasama ko. Ite-text ko na lang si Kap. Parang gusto ko muna ang mag-isip.” “Bakit, Mister ko? Anong kailangan mong isipin?” “Parang gusto kong huwag na ituloy ang pagtakbo ko. Marami naman ang may potential sa grupo. Saka ayaw

