DIANE’s POV “Wowa, kwentuhan na lang po ninyo kami ni Nurse Kany, tungkol po sa inyo ni Wowo.” Gusto kong maiba ang mood niya. Pero ang dami ko na rin nasabi, bumabalik kami sa problema niya sa apo niya. Sa ganda ni Wowa, sigurado na gwapo rin ang apo niya. Si Miss Adie, mukhang maganda, kaya lang ay hind ko pa nakikita ang mukha niya. Lagi kasing may takip. “Ayaw kong magkwento ng tungkol sa amin. Ang gusto ko, kayo ng apo ko ang magkatuluyan.” Hindi talaga kami matatapos ni Wowa sa ganitong usapan. Ipinipilit niya ang bagay na mahirap mangyari. “Wowa, gusto mo po bang tikman itong pasalubong ko po sa inyo? Masarap po ito.” Inilabas ko na mula sa supot ang dala kong puto at kutsinta. May plato at fork si Wowa rito. “Sige, subuan mo ako, apo.” Nakukuha ko na ang pakalmahin siya

