"Masayang pinagmamasdan ko ang iilang tao na nagkakasiyahan dito sa harden ng bahay ni Duke. Karamihan ay mga tauhan ng lalaki at iilang tao lang ang napiling imbitahan ni Duke Walker. Kabilang din sa inimbitahn ay ang pinsan niyang si Dr. Sam. Dahil si Sam ang kinuhang ninang para sa anak namin na si Dawson. Ngayon araw kasi ang binyag ng baby namin. At iilang tao lang din ang pinili upang maging ninang at ninong nang anak ko. Dito sa bahay ginanap ang binyag kay baby Dawson. Dahil nandiyan lang sa paligid ang mga kalaban ni Duke. Kaya si father na ang pumunta dito sa bahay. Tumingin ako kay Duke na seryosong nakikipag-usap sa isang lalaki. Isa rin ang lalaking iyon na tumayong ninong ni Dawson. Hindi rin matatawaran ang angking kagwapuhan at kakisigan ng lalaki. Ngunit iba ang dating

