Isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Arthur saka tinanaw ang magandang kalangitan. Mabuti na lamang at may punong humaharang sa init ng araw para hindi iyon tuluyang tumama sa amin. Tahimik lang kami. Wala ni isa sa amin ang nagtangka na pag-usapan ang anumang nangyari kagabi. Ayaw nya na rin kasi raw ba maalala ko ang kagagahang ginawa ko pero kahit pilitin kong alisin sa isip iyon ay parang napakahirap gawin. Hanggang ngayon, parang nararamdaman ko pa rin ang bigat ng baril. Hanggang ngayon ay sarili pa rin sa akin ang takot na bumalatay sa mukha ni Mr. Garcia nang itutok ko sa kanya iyon. Bakit naman kasi ginawa nya yon kay Arthur kung alam nya palang nakakatakot matutukunan non?! Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Agad kong naramdaman ang paghawak ni Arthur sa akin

