Buong magdamag akong hindi pinatulog ng paiyak. Tuloy ay heto't kinailangan ko pang magsuot ng sunglasses para lang maitago ang namamaga kong mga mata. Nakatungong naglakad ako patungo sa aking mga kasama. Idang simpleng paren ng jeans at tshirt na kulay mustard lang ang napili ko. Sabi ni Clarisse ay hindi ko naman daw kailangan ng mga mamahaling damit sa mga ganitong okasyon. "Good morning, Ms. Mindy." Pagbati ng isang staff na kasama namin. Tinanguan ko lamang sya at nagtuloy sa sasakyan pero halos lumuwa ang mata ko nang makitang punung-puno iyon. "Ah, okay lang po ba na kay Sir Arthur na kayo sasabay?" Tanong nya. Hayop na tadhana 'to. Hindi ko alam kung ako talaga ang trip o kung talagang malas ako. "Baka naman kasya pa ako dyan. May space pa naman, o?" Tugon ko na itinuro ang

