"Careful!" Arthur shouted nang makita nya ang muntikan kong pagtumba. Paano'y kinakaladkad lang naman ako ng isa sa mga tauhan nya patungo sa isang silid. Napangiwi ako nang mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng lalaking iyon sa akin braso. Patakbong lumapit si Arthur sa gawi namin. Napasinghap ako ng hangin nang makitang ikasa nya ang baril na hawak saka itutok sa lalaki. "I said be careful! Kailangan ko pa bang ulitin 'yon ha?" Ang kaninang kalmadong presensya nya ay muli nanamang nagbago. Ang matatalim nyang mga mata ay tila ba nakamamatay. Nanginginig na tumungo ang lalaking at unti-unting pinaluwag nito ang pagkakahawak sa akin. "I-I'm f-fine," salita ko kay Arthur na ngayon ay mukhang hindi pa rin matanggap ang sakit na ininda ko. Nang balingan ako ng tingin ay pilit akong ngu

