"Where's Athena?" Bungad niya pagpasok palang ng pinto.
Galing siya sa ng business trip at limang araw niyang hindi nakita ang anak. Sobrang namiss niya ang bata kahit halos araw araw rin naman silang magkavideo call.
Umupo siya sa sofa at niluwagan ang necktie na suot. Ipinatong niya ang coat sa armrest ng sofa. Napapikit siya dahil sa pagod.
Nakarinig siya ng takbo pababa na nagpamulat sa kanya. Napalingon siya sa hagdan. Nakita niya ang anak na nakangiti at masaya sa kanyang pag-uwi.
"Baby, careful don't run." Mahinahong saway nito. Seryoso ang mukha ngunit malambot ang mata na nakatingin sa pababang bata na nasa hagdan.
"Daddy you are here!" Masayang sabi nito at patakbong yumakap sa ama. "i miss you Daddy." Kumandong ito sa kanya at niyakap siya.
"i miss you too, Baby. Hindi ka ba nagpasaway kala Mamala? " Tanong niya dito. Hinalikan ito sa pisngi kaya napahagikgik ito.
"Yes Daddy! Diba Yaya i'm a good girl?" Sagot nito.
"That's my baby." Ginulo niya ang buhok ng anak. Tumayo siya karga ito bago binalingan ang yaya.
"Did she eat dinner?" Tanong niya.
"Yes sir." Sagot naman ito.
Tumango siya. "Sige na. Pwede ka ng magpahinga. Ako na ang bahala kay Athena. "
"Sige po sir. Goodnight miss Athena." Sabi ng Yaya niya.
"Goodnight Yaya."
Kinarga niya ang anak patungo sa kwarto nito. "You need to sleep early. We will bad tomorrow okay?" Sabi niya at hinalikan ito sa ulo.
"Daddy, i want to sleep with you." Nakapout ito at hindi umaalis sa pagkayakap sa kanya.
Nakangiti siya at tumango. "Okay." Sagot niya. Because for him, 'what's his baby wants, his baby gets.' Ganun niya kamahal ang bata.
Katabi niya ang anak sa kama habang marahan itong tinatapik tapik para makatulog. Nakapikit na ito habang nakayakap sa kanya. Hinalikan niya ito sa tuktok ng ulo at pinagmasadan. Napakagandang bata talaga ng anak niya. Maputi ito na kulay gatas. Deretso ang itim na buhok. Maamo ang mga itim na mata na pinaresan ng mahabang pilikmata. Maliit ang ilong at labi.
Naaalala pa niya dati. He was 18 years old that time.
He is driving his car going back to their house. Galing siya sa bar kasama ang mga kaklase to unwind pero sumaglit lang talaga siya. Wala siyang balak mag-stay magdamag dahil may pasok pa sila kinabukasan.
Papasok na siya sa gate ng mapansin siyang stroller sa gilid. Hindi sana niya ito papansin ngunit sa curiosity ay hininto niya ang sasakyan. Mabilis siyang bumaba ng kotse para tignan ito.
"Fvck..." Sambit niya ng makita ang isang maliit na sanggol na mahimbing na natutulog. Nakabalot ito sa malaking lumang jacket para magsilbing proteksiyon sa lamig ng gabi. Luma din ang stroller pati ang bag na nakasabit sa hawakan nito.
'Pasensya na pero pwedeng sainyo na ang bata? Alagaan niyo sana siya ng maayos. salamat'
Napalinga linga siya kahit alam naman niyang wala siyang makikita kung sino ang walang pusong nag-iwan ng sanggol dito sa labas.
Tinawag niya ang guard na nakaassign magbantay ng gate.
" You didn't see whose monster have gut to leave this baby alone here? in this freezy night?!" Naiinis niyang tanong dito.
Naiinis siya dahil sa mga taong gumawa nito. Bakit gagawa gawa ng bata kung hindi naman pala kaya ang responsibilidad? Walang kamuwang muwang na sanggol ay parang hayop lang na iiwan kung saan saan.
"Hindi po talaga, Sir. Hindi ko nga po napansin na may stroller diyan kung hindi niyo pa po sinabi." Kinakabahang sagot nito.
Napabuga siya ng hangin at matalim itong tinignan. "Paano pala kung bomba ang iniwan edi patay na tayong lahat?!" Asik niya dito.
Yumuko lang ito at humingi ng paumanhin. Wala na siyang nagawa kundi kunin ang sanggol at dalhin papasok ng bahay. Hindi naman kaya ng konsensya niya na iwan ito sa labas.
"Nakabuntis kaba?!" Mataas na boses ng ina. Hindi ito makapaniwalang nakatingin sakin at sa sanggol na karga ko.
Nakatayo naman ang ama sa tabi ng ina at seryosong nakatingin sa akin na may pag-aakusa.
Inis akong napabuntong hininga. "Hindi ko siya anak Mom, pwede ba? Nakita ko lang siya diyan sa labas ng gate. Kinuha ko dahil alangan naman pabayaan ko itong bata na mamatay sa labas?" Sagot niya dito.
Para naman itong nakahinga ng maluwag. Lumapit siya sa akin at kinuha ang bata.
"Napakagandang bata naman nito, anak. Aampunin natin siya. Sa amin siya ng papa mo ipapangalan. Magiging magkapatid kayong dalawa." Nakangiting sabi ng ina habang hinehele ang bata.
Napailing ako. "Akin siya mama. Ako ang mag-aalaga sa kanya. Sakin siya ipapangalan." Matatag na sagot ko kaya napatingin si Mama sa akin.
Nagkatinginan ang mga magulang ko na para bang nag-uusap gamit lang ang mga mata.
Tumingin ulit sa akin si Mama at bahagyang ngumiti.
"Hindi pwedeng ipangalan sayo, hijo. Bata ka pa. Hindi magiging maganda sa image mo at sa pamilya natin kung malaman ng ibang tao na may anak ka. Papayag akong ikaw mag-alaga kung gusto mo talaga. Pero sa amin parin ipapangalan."
Nakipagsukatan pa siya ng tingin sa ina bago bumuntong hininga at tumango. "Fine, Mom." Sagot niya.
Kilala ang pangalan namin dahil sa business ng magulang ko. May-ari sila ng maraming Hotel chain and restaurant sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas maging sa ibang mga bansa. Siguro nga ay iyon ang mabuting gawin para mapangalagaan din ang reputasyon ng pamilya nila.
.
Simula noon ay nagpatayo na siya ng sariling bahay katabi lang ng bahay ng magulang. Sinikap niyang alagaan at mahalin ang anak na parang tunay na galing sa kanya habang siya ay nag-aaral. Ngayon ay magpipitong taon na ang nakakaraan. Hindi na din nahanap kung sino man ang mga tunay nitong magulang. Hindi na rin naman siya papayag na makuha ang bata sa kanya.
Nang makagraduate siya ng college ay nagstart narin siyang pamahalaan ang ibang business ng magulang niya. Nagtayo din siya ng sariling business kaya sobrmag hectic talaga ng schedule niya. Oo at nakakapagod pero nawawala ang lahat ng kanyang pagod pag-uwi ng bahay at masayang sinasalubobg ng mahal na mahal niyang bata.
He is Alexandre Zues Montereal Vale a famous handsome bachelor Billionaire business man. Strict and dangerous when it comes to business but a loving father at home.
..