This is not how I want it to happen. Hindi sa ganitong pagkakataon na ilang hakbang lang ay mapupunta na siya sa area namin. He's frozen as well without breaking his gaze on me. Kasabay ng pagtitig niya ay ang pag-angat ng matinding galit ko sa kanya. Ang kapal din talaga ng mukha niya kahit kailan. "J-Jia," Nag-aalalang tawag ng mga kaibigan ko sa akin. Seryoso kong binalik ang tingin sa kanila. Wala naman silang alam sa nangyayari ngayon, hindi rin naman nila kagustuhan na makita ang lalaking iyon dito. "Don't mind him." I said nonchalantly to them. Pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain ni Quinn na nasa tabi ko. So, what kung malaman niyang may anak kaming dalawa? Wala naman akong planong itago sa kanya ito lalo na at wala rin akong plano na sabihin sa kanya na bumalik sa amin ng ana

