ISANG munting salu-salo lamang para sa pormal na pagpapakilala kina Pyper at Tyler sa mga Saavedra—ngunit naging isang selebrasyon na. Hindi na pumayag ang mga Saavedra na hindi nila i-celebrate ang nangyaring marriage proposal na ito. Inimbita nila ang lahat ng mga kamag-anak nila, malalapit na mga kaibigan nila at pati narin ang pamilya ni Verena at mga kaibigan niya ay nagsidatingan din. "Ay mga bakla —nakakainis kayo! May proposal pala'ng mangyayari hindi niyo kami sinabihan." nakalabing saad ni Larry. "Oo nga, kung hindi pa namin napanood sa social media hindi pa namin malalaman ang tungkol dito. Nakakatampo kana cous ah," nagtatampo namang wika ni Marco. "Sorry! Biglaan lang ang lahat eh," hinging paumanhin ni Verena saka niyakap ang dalawang kaibigan. "Ouch! Kung makakurot nam

