"Ahhh.. Larry, Marco nahihilo ako." napahawak ng kanyang sintido sabay pikit nito ng kanyang mga mata. Nag-uunahang lumapit sa kanya ang kanyang mga kaibigan, lalo na si Larry na kaagad hinawakan sa kamay si Verena. "Girl ayos ka lang ba?" sabay dinama nito ang kanyang pupulsuhan. "Bunso, anong nangyayari sayo?" tanong naman si Xander sa kapatid. "Guy's — excuse me, ako na muna ang bahala sa kanya." sabi naman ni Larry kaya dumistansya silang lahat sa kanya. Muling lumingon si Larry sa lahat, sina Dos at Xander na nakaupo at sina Heather at Marco naman na nakatayo lamang malapit sa kanila. "Hindi ka nahihilo girl— anong arte ito Verena?" mahinang bulong ni Larry saka pasimpleng kinurot sa tagiliran ang kaibigan. "Ipapahamak niyo talaga ako ni Marco sa ginagawa niyo!" mahinang tugon n

