KINAUMAGAHAN maagang nagising si Dos. Maingat siyang bumangon sa kama at saka dahan-dahan siyang bumaba. Ayaw niyang makalikha ng kahit anumang ingay dahil himbing na himbing parin sa pagtulog ang babaeng mahal niya. Nakangiti siya habang nakatunghay kay Verena, lalo na ng marinig nito ang mahinang paghilik nito. Masuyo niya itong dinampian ng halik sa kanyang noo. "Minsan lang dumating sa buhay ng tao ang ganitong pagkakataon. Ipinapangako kong iingatan kita at aalagaan sa abot ng aking makakaya. Mahal na mahal kita," mahinang usal niya sa kanyang sarili habang masuyong hinahaplos ang mukha ni Verena. "Hmmm.. Babe," naalimpungatan si Verena ng maramdaman nito ang marahang haplos sa kanya ni Dos. "I'm sorry, nagising ba kita babe? Sige na matulog ka lang, dito lang ako babantayan kit

