SIMULA kahapon hindi na mapakali si Dos, pati sa trabaho nadadala na niya ang init ng kanyang ulo. Nagmamadali siyang lumabas ng opisina kahapon para puntahan ang babaeng kanyang dinala sa hospital. Dumeretso siya ng condo para magbihis, naka-rugged jeans ito at white t-shirt na pinatungan niya black coat . "Ang gwapo mo talaga Dos." sabay kindat niya habang kinakausap ang kanyang sarili sa salamin. "Hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko nalalaman ang pangalan niya. Ikaw pa Dos, no one can ever resist your charm." he's so confident with that thought. Nakailang ulit pa niyang pinasadahan ang kanyang sarili sa salamin bago tuluyang nilisan ang kanyang unit. Pasipol-sipol habang naglalakad papuntang parking area. "Boss ito na po yung flowers na pinapabili niyo." sabay abot sa kan

