IKA -isa ng madaling araw, bumangon si Verena dahil sa panaka-nakang pagsakit ng kanyang balakang sabayan pa nito ang paghilab ng kanyang tiyan. Nagpunta siya ng CR, nakailang balik na siya dahil pakiramdam niya ihing-ihi na siya. "Bakit ganito? Ahh..Ang sakit!" napapadaing niyang sabi. Lumabas siya ng CR habang sapo ang malaki na nitong tiyan. Lakad dito, lakad doon. Hindi na talaga siya mapakali. Muli niyang sinulyapan ang orasan sa ding-ding. Kasarapan ng tulog pero heto siya, gising na gising dahil sa hindi maipaliwanag na sakit na kanyang nararamdaman. "Manganganak na yata ako. Aww.. Ang sakit na." muli siyang naglakad para puntahan ang kanyang pinsan sa kanyang kwarto. "Cous?" tinatapik niya ang mukha ni Marco, ngunit tulog na tulog parin ito. "Marco, gising. Ahh..Ang sakit!" n

