PAGKARATING ni Verena sa kanyang condo ramdam na niya ang sakit ng kanyang katawan. "Whoahh! Ngayon pa yata ako lalagnatin, ang sakit ng likod ko, ang sakit ng buong katawan ko." Muli niyang pinakiramdaman ang kanyang sarili, alam niyang masakit iyon, ang kanyang gitnang bahagi. Pero hindi niya iyon alintana, dahil sa kagustuhan niyang makalabas at makalayo sa malaking bahay na iyon. Nasa elevator pa lamang siya, ramdam na niya ang kanyang panghihina. Gusto na niyang mahiga sa malambot niyang kama. Nakasandal siya sa malamig na ding-ding ng elevator, panay din ang kanyang pagpikit dahil sa sama ng kanyang pakiramdam. Napagawi ang kanyang paningin sa kanyang mga paa, namumula ang mga iyon at tila may mga paltos pa dahil sa ginawa niyang pagtakbo kanina paalis sa bahay na iyon. "Broke

