**Unedited** Quinton Eli Manuel “Cafeteria,” the first thing that escaped from my mouth. “Which direction?” Rae immediately asked. “Sa tingin mo dapat ba nating silipin?” It took me a moment to nod my head. “I-I think we should,” nauutal na sagot ko. Aaminin kong muli akong nilukob ng mas matinding kaba. I don’t know anymore. Sa loob ng maiksing panahon ay sobrang dami nang naganap. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga posibleng mangyari. “Here,” dagdag ko saka lumiko patungo sa direksyon ng school canteen. Sa magkabilang gilid namin ay may garden na gaya nung nasa entrance, matataas na rin ang mga damo nito. Muli kaming napahinto nang muli kaming nakarinig ng tila pagpukpok. Higit na mas malakas na iyon kumpara doon sa nauna. “What the hell was that?” bulong ni Rae sa likuran k

