**Unedited** THREE days flew in a swift. Two days left before the bombing, which means bukas na ang schedule ng pag-alis namin. Sa ngayon ay kasalukuyan ko nang wine-welding ang mga nakuha nilang metal grills sa bintana at windshield ng sasakyan ko. Kahapon ay natapos ko na ang van. Inaayos naman na ngayon nina Madeline at Luke ang loob non. Habang sina Tanner, Claude, at Rae ay lumabas sa huling pagkakataon para mangalap ng supplies. Ngayon lang din nila nagamit ang sasakyan ni Tanner, para na rin daw masubukan ang kondisyon nito kahit pa nakumpuni na nila ang mga dapat ayusin sa makina at internal parts ng mga sasakyan. Kailangan naming matapos ang lahat ngayong araw dahil sa pagputok ng araw kinabukasan ay agad na rin kaming babyahe. Nang sa gayon, sa oras na pasabugin nila ang red

