**Unedited** “Iyon ay kung tutulungan n’yo rin ako,” aniya. May something sa tono n’ya na nagsasabi sa akin na seryoso at walang halong panlilinlang ang mga sinasabi n’ya. “Release me. Hindi ako manlalaban, pangako. Kakailanganin ko kayo para makabalik sa camp at makaganti sa mga depungal kong kasama; at kakailanganin n’yo ako para makaalis rito nang ligtas,” dagdag n’ya pa. Dahil doon, dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakayapos ko sa kanya. But I didn’t let my guard down still. Isa pa, mukhang injured naman s’ya kayat madali akong makakalaban kahit higit ang size n’ya sa akin. Naintriga ako sa sinabi n’ya. “Camp?” I ask for clarification. “Mismo. Mayroong—” Humarap na s’ya habang hinahaplos ang leeg n’ya. Bigla naman s’yang nahinto nang makita ako. Pagkatapos ay bigla na lang s’yang

