WE ARE now quietly sitting in the main living room, waiting for who will gonna speak first. Tanging isang kandila lang na nakasindi sa gitna namin ang nagbibigay liwanag sa amin. Rae, Inay Beng, and I are occupying the first couch; while Tanner, Luke, and Madeline are in the other one. It was Rae who broke the silence. “So—” she cleared her throat “—ano nang gagawin natin?” Mas ibinaon ko lang ang sarili ko sa lambot ng couch. Ayoko nang gumalaw at magsalita. Batid kong ganon rin sila dahil magmula nung dumating kami rito ay wala nang kumikilos, pawang mga pagod at gusto nang mamahinga. Sobrang nakakapagod ang mga pangyayari ngayon araw, pero feeling ko ay mas nakadagdag pa ron ay ang mapalibutan ng maraming tao. “Gusto n’yo na muna bang magpahinga?” tanong ni Tanner. “Today was… supe

