**Unedited** Nag-antay sila ng ilang sandali bago sila tuluyang umandar muli. Higit na mas mabagal na iyon kumpara sa kanina, nang sa gayon ay masiguradong makakahabol sa kanila ang mga natangay na infected. Muli akong napatingin kay Rae. Her eyes turn hazel when the sun hit them. Doon ko lang din napansin na nagsisimula nang mawala ang pagkulimlim ng kalangitan. “Do you think we can go through that?” tanong nya nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. Bumalik ang mga mata ko sa sitwasyon ng matanda. Kahit na halos kalahati ang mga sumunod sa sasakyan nina Tanner, marami pa ring mga naiwan na nakapalibot sa van. Of course they would prefer the meat that’s easier to reach—which is the old lady who’s still struggling and fighting for her life. “Gaano kalayo yung sasakyan nyo rito

