Naramdaman ni Val na tila may kakaiba sa pagkakahawak ni Rave sa kaniya, lalo pa at napansin niya ang matalim na mga titig nito kay Cali na ngayon ay hinahanap na rin ang partner niya at iniwan na silang dalawa. “Tara na?” anyaya sa kaniya nito at sumunod naman siya. Ayon sa staff na nag-explain sa kanila ng mechanics ng Treasure Hunt ay may ten stations na kailangan sila daanan. Bawat station ay may mga tasks silang gagawin hanggang sa matapos nila ito. Ang pares na mauunang makatapos sa lahat ng tasks ay sila ang makakakuha ng flag na nasa tuktok ng bundok. Sa first station pa lamang ay na-challenge na ang lahat dahil kailangan nilang buhatin ang kanilang kapares paakyat sa paanan ng bundok kung saan maglalakad sila papunta sa susunod na station. Sa taas na 5’9 ay ‘di hamak na mas

