The weather was cold enough for Val to wear a powder blue pullover sa kaniyang uniform. He was heading to the university library to find some references para sa kaniyang report sa Gothic Sculpture. As he passed by the pine trees queued beside the corners of the football court, he felt the fresh morning breeze rushing overhead. Marahang hinahawi ng banayad na hangin ang kaniyang malagong buhok na paminsan-minsan ay tumatama sa kaniyang mga mata. He told himself that maybe the monsoon is now shifting northeast and how he could wish na sana tumagal ang ganitong weather.
It was only seven in the morning when he entered the room. The smell of books piled in the shelves overwhelmed his nostrils, bigla niyang naalala na ngayon na lang pala siya ulit pumasok sa library. His eyes roamed around every corner as he presented his card to the librarian. Napakatahimik ng buong silid. He can even clearly hear the way his shoes tapped the floor as he walked down the isle through the Reference Section.
He assumed na siya pa lang ang nandito dahil wala namang ibang estudyante sa paligid maliban sa kaniya. As he was browsing through the sections, napansin niyang wala na roon ang librong hinahanap niya. There was a slight gap sa pagitan ng dalawang libro kung saan ito dapat nakalagay.
Bahagyang lumungkot ang kaniyang mukha. Hindi niya inaasahan na mabibigo siya ngayong araw sa gagawin niyang report.
“Maybe next time na lang,” bulong niya sa sarili.
As he turned around, narinig niya ang marahang kaluskos ng libro. Slowly, he followed where the flipping of pages were coming from and his feet brought him to the edge of the section.
He saw a guy na nakasalampak sa sahig with his back on the lowermost level of the shelves. He was listening to his earphones kaya hindi nito napansin ang paglapit ni Val. Para namang wala sa sarili na nakatayo lamang siya at pinagmamasdan ito habang nagbabasa. What’s inside his head was the possibility na ang binabasa nitong libro ay ang librong hinahanap niya.
Slowly recognizing na may mga matang nakatitig sa kaniya ay dahan-dahan naman itong nag-angat ng mukha only to get surprised by each other’s presence.
Sa tuluyang pag-angat nito ng mukha ay natigilan si Val nang malamang si Cali pala ang lalaking nagbabasa sa sulok na iyon na ngayon ay nakatitig sa kaniya. Hindi niya malaman ang kaniyang gagawin. He didn’t know how to react lalo pa at muli niyang naalala ang mga sinabi nito noong nagka-injury siya sa training. Nag-iwas siya ng tingin at pinilit ibahin ang kaniyang facial expression.
Hindi naman inaalis ni Cali ang pagkakatitig niya kay Val. Hindi niya rin alam kung ano ang magiging reaksyon niya ngayong silang dalawa lang sa dulo ng Reference Section. When he looked at Val’s face, he remembered that moment kung paano ito yumukod sa mga kasamahan niya para humingi ng pasensya.
When Val noticed na blangko pa rin ang ekspresyon ni Cali ay dahan-dahan niyang pinihit ang katawan at tumalikod. Naisip niyang baka hindi na naman ito interesado na makipag-usap sa kaniya and staying away from him is the best thing to do.
Nakailang hakbang na siya palayo nang bigla siyang huminto. Naisip niyang kailangan niya ang librong hawak nito para matapos niya na ang report na ginagawa niya kaya muli siyang bumalik dito. Nagulat pa siya nang makitang nakatayo na ito habang nakapamulsa ang kaliwang kamay at hawak naman nito ang libro sa kabila at halos hindi kumukurap na nakatitig lang sa kaniya na para bang ini-expect na nito ang gagawin niya.
Nang tuluyan na siyang nakalapit dito ay nakatingin lamang siya sa librong hawak nito. Hindi niya ito magawang titigan sa mukha dahil naiilang siya sa mga titig nito lalo pa at hindi man lang ito nagsasalita.
“He seemed different,” bulong niya sa sarili.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha at pilit nilabanan ang pagkailang.
“What is it?” sa wakas ay seryosong tanong ni Cali.
Ibinaba naman ni Val ang kaniyang tingin sa libro.
“You need this?” bahagyang tumaas ang dalawang kilay ni Cali at itinaas pa ang libro.
“Yes. I need that for my report,” sagot ni Val sa matamlay na boses.
“I also need it for my term paper,” diretsong sagot nito.
Val deeply sighed.
“Okay, then,” mahina at walang gana na tugon niya rito at saka dahan-dahang tumalikod. Aalis na sana siya nang bigla itong magsalita.
“I’m gonna let you borrow this in one condition.” Muling humarap sa kaniya si Val. “You have to jog for twenty rounds inside the gym,” dagdag nito na tila nanunukso pa ang mga mata.
“What?” gulat na tanong ni Val.
“20 rounds,” ulit nito.
Hindi kumibo si Val.
“Ayaw mo?” tanong nito.
Bumuntong hininga muna siya saka muling nag-isip. He needed to finish his report dahil kinabukasan ay ipre-present na niya ito. It seemed like wala siyang ibang choice kung hindi ang sumang-ayon sa kondisyon nito.
“Okay,” mahina niyang sagot. Kinakabahan siya na maaaring maulit ang nangyari sa kaniya noon.
Pagdating sa gym ay hinubad ni Val ang suot niyang long-sleeves at sinuot ang dala niyang extra shirt. Mataman namang nakatitig sa kaniya si Cali habang ginagawa niya iyon. Sunod niyang inalis ang kaniyang sapatos. Naisip niyang tanggalin na lamang ito upang hindi siya mahirapan sa pagtakbo.
Pagkatapos ayusin ang sarili ay lumapit siya kay Cali na nakaupo sa bench habang naka-cross ang mga bisig.
Muli siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at gumuhit ng pilyong ngiti sa kaniyang labi.
“Why?” tanong ni Val.
“Are you sure na hindi mo isusuot ang sapatos mo?” tanong din nito.
“I don’t want to ruin my leather shoes,” kaswal na sagot ni Val.
“Alright,” maiksing tugon nito at pagkatapos ay tumayo ito at diretsong hinubad ang suot nitong long-sleeves, naiwan ang suot nitong inner shirt na bahagyang hapit sa matipuno niyang dibdib. Ibinaba naman ni Val ang tingin niya nang makitang nakatitig sa ito sa kaniya habang inaayos ang kaniya damit. Maya-maya pa ay nagulat siya nang makita niyang naghubad din ito ng kaniyang sapatos at naiwan ang kulay puti nitong medyas.
“What are you doing?” tanong ni Val.
“Sasamahan kita,” nakangiting sagot nito.
“Is that part of your condition?” straightforward niyang tanong.
“No. But if I’m going to be the first one to complete the 20 rounds, then hindi ko ipapahiram ang book,” pilyong sagot nito.
“Wait, what?” nanlaki ang mga matang tugon ni Val.
Hindi na siya sinagot ni Cali dahil nagsimula na itong mag-jogging.
“How could he change his mind all of the sudden?” bulong niya sa sarili.
Napailing na lamang siya at nagsimula na ring habulin ito to keep up. Napansin niya namang bahagya itong bumagal sa pagtakbo na para bang sinasadya niya ito. Nang mapag-abot silang dalawa ay tumabi ito sa kaniya habang tuloy pa rin sila sa pagtakbo.
“How badly do you need that book?” tanong ni Cali.
“Bukas na ang report ko and that is the only copy available in the library,” bahagyang hinihingal na sagot naman ni Val.
“I see,” sagot nito at pagkatapos ay binilisan muli ang pagtakbo at iniwan si Val na napapailing. Hindi niya maintindihan ang ipinapakita ni Cali sa kaniya ngayon. Noong mga nakaraan lamang ay halos ayaw siya nitong kausapin at kung kakausapin man ay lagi itong nagsusungit.
“Hey! You need to keep up!” sigaw nito sa kaniya na ngayon ay halos kalahati na ang agwat ng distansiya nilang dalawa.
Bigla naman niyang naalala ang librong kailangan niya kaya muli niyang binilisan ang pagtakbo. He knew that he is no good to compete against Cali pero ito lang ang paraan para makuha niya mula rito ang librong kailangan niya. Binilisan niya pa ang pagtakbo.
Lihim namang napangiti si Cali sa nakikita niyang pabilis nang pabilis na pagtakbo ni Val. Binilisan niya rin ang pagtakbo upang hindi siya nito maabutan. Tagaktak na rin ang pawis niya. Mahahalata ring basing-basa na ang suot niyang inner shirt na mas lalong humapit sa kaniyang katawan. He didn’t also understand kung bakit ganito ang pakikitungo niya ngayon kay Val. It might seemed weird pero lihim siyang natutuwa sa tuwing nakikita niya itong nahihirapan sa mga pinapagawa niya.
Ilang minuto pa ang lumipas at isang round na lang ang kailangan ni Cali. He stopped for a while at nilingon si Val na patuloy pa rin sa pagtakbo. He got fascinated by his wavy hair again. Paminsan-minsan ay hinahawi nito ang ilang hibla na nakatakip sa mga mata nito, and he couldn’t help but admire him the way he did it. Napakainosente nitong tingnan. Patuloy lang ito sa pagtakbo habang tila slow motion niya itong paninanonood.
His little admiration for Val’s innocence was interrupted by a sudden headache. Biglang bumigat ang kaniyang pakiramdam at bigla na lamang sinaklot ng matinding lungkot ang kaniyang dibdib. Napaupo siya sa sahig habang sapo ng dalawang kamay ang kaniyang ulo. Ilang sandali pa ay muli na namang lumitaw sa kaniyang alaala ang isang pari na hawak niya sa kaniyang mga bisig habang duguan itong nakahandusay sa sahig, hanggang sa pakiramdam niya ay dinala siya ng alaalang ito sa ibang lugar at panahon.
“Huwag mo akong iiwan, Manuelo. Lilisanin natin ang lugar na ito, magpapakalayo-layo tayo. Lumaban ka,” umiiyak na wika ni Antonio.
Hinahabol naman ng pari ang kaniyang bawat paghinga at gumuhit pa ng mapait na ngiti bilang tugon sa tinuran ng binata. Pilit nitong itinaas ang kamay upang minsan pa ay maidampi ito sa mukha ni Antonio. Nangingilid ang mga luha nito. Kasabay ng pagdampi ng kamay nito sa mukha ni Antonio ay ang pagpikit naman ng mga mata nito.
“Manuelo!” sigaw ni Antonio dala ng labis na pagdadalamhati sa tuluyang paglisan ng lalaking iniibig. Niyakap niya ito nang mahigpit at tumingala sa kalangitan sa labis na paghihinagpis.
“Hihintayin kita, Manuelo. Magkikita tayong muli,” impit na iyak ni Antonio.
Malapit na si Val sa kinatatayuan ni Cali nang mapansin niya ang biglang paghawak nito sa kaniyang ulo. Maya-maya pa ay nakita niyang tila namimilipit na ito sa sakit na nararamdaman at tuluyan itong napaupo sa sahig. Binilisan niya ang pagtakbo patungo sa kinaroroonan nito.
“Hey, are you okay?” Hinaplos niya ang likod nito pero hindi ito kumibo. Maya-maya pa ay tumigil ito sa paghawak sa kaniyang ulo na para bang nawala na ang matinding sakit na nararamdaman nito.
“What happened?” muling tanong ni Val.
Dahan-dahan naman itong tumingin sa kaniya at sa pagkakataong iyon ay nagtama ang kanilang mga mata.
“Manuelo?” bulong ng isip ni Cali. Pakiramdam niya ay walang pinagkaiba ang mga matang nakatitig sa kaniya ngayon sa mga mata ng lalaking kanina lang ay kalong niya sa kaniyang alaala. Muling bumagsak ang mga luha sa bigat na nararamdaman niya.
“Hey, what’s wrong?” may pag-aalalang tanong ni Val nang makita ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha nito. Ramdam niya ang bigat na nararamdaman nito sa mga oras na iyon. Hindi niya lubos maisip na makikita niya ito sa ganitong sitwasyon. He felt like Cali was helpless, kabaliktaran sa pagkakakilala niya rito nang una silang magkita.
Pinalis ni Cali ang luha sa mga mata niya at dahan-dahang tumayo. He suddenly felt a little embarrassed for what happened. Nakatitig lamang si Val sa kaniya. Wala itong sinasabi pero nababasa niya sa mga mata nito ang pagtataka sa nangyari.
“The book… you may have it,” mahinang sabi ni Cali saka muling pinalis ang natitira pang mga luha sa kaniyang mukha.
Mabagal ang mga hakbang na tinungo niya ang gamit na nasa bleachers at tuluyan nang lumabas ng gymnasium habang si Val naman ay nakatayo pa rin at pinagmamasdan lamang siya.
“He must have been exhausted,” bulong ni Val sa sarili. He slid his hands into his pocket saka dahan-dahang naglakad papunta sa bleachers kung saan niya iniwan ang kaniyang gamit. Matindi na ang sikat ng araw sa paglabas niya sa gym pero dahil napalilibutan ng mga puno ang buong campus ay malamig pa rin ang hangin na tumatama sa kaniyang balat. He walked past the main building. Wala siyang kaalam-alam na mula sa second floor ay pinagmamasdan siya ni Cali mula sa glass wall ng cafeteria.
Mula sa sulok ng mga mata ni Cali ay makikita ang magkahalong lungkot at pagtataka. This was the second time that he got into that situation, and Val was always there, hindi niya tuloy mapigilang isipin kung ano ang kinalaman ng mga alaalang ito sa kaniya.
He sighed at that thought, and internally reprimanded his mind.
When he looked at Val again ay tuluyan na itong nakalabas ng main gate.