When A Memory Merged with the Reality

1999 Words
“Hindi ang mga bituin, ni ang hangin man ang magdadala sa atin patungo sa ating paroroonan. Wala roon ang sagot sa mga katanungan natin, Antonio,” pahayag ni Manuelo habang nakaupo sila sa pampang ng ilog at malayang pinagmamasdan ang payapong agos nito. Mula sa repleksyon ng suot nitong salamin ay mababanaag ang papalubog na sikat ng araw. “Kung wala roon, nasaan?” tanong naman ni Antonio na malungkot ang mga mata. Marahang hinahaplos ng hangin ang malagong buhok nito na paminsan-minsan ay tumatakip sa kaniyang mukha. “Nandito.” Inilagay ni Manuelo ang kaniyang kanang kamay sa dibdib ng binata. “Lahat ng mga bagay na naisin natin ay nandito,” patuloy nito at malayang tinitigan ng bawat isa ang kanilang mga mata. Napakagandang pagmasdan ng mga ligaw na bulaklak habang ang palubog na araw naman ay mas lalong pinatingkad ang mga tuyong dahon ng akasya na mabagal na nililipad ng hangin. Kabaliktaran ito sa nararamdaman nina Manuelo at Antonio sa mga oras na iyon. “Wala akong ibang pinangarap kung hindi ang maging malaya, kasama ka. Hindi man ito matuwid sa pangingin ng lahat, kung sinasabing mong ang puso ang nagdidikta sa ating patutunguhan, ikaw at ikaw ang pipiliin ko,” mahabang paliwanag ni Antonio. Nagbabadya ang mga butil ng luha sa mga mata ni Manuelo matapos marinig ang sinabi ng binata. Mula sa sulok ng mga mata nito ay makikita ang matinding lungkot sa maaaring sapitin nilang dalawa. “Kahit anong mangyari, lagi mong iisipin na hindi ito ang huli nating pagkikita. Magkikita tayo Antonio, ipinapangako ko sa ‘yo.” Niyakap nila ang isa’t isa. Hinayaan nilang kahit hanggang sa huling sandali ay muli nilang maramdaman ang init ng kanilang pagmamahalan, mali man ito sa paningin ng lipunan. Habang unti-unting lumulubog ang araw sa kanluran ay nanatiling magkayakap ang dalawa. Unti-unting nagmulat ng mga mata si Val. Hindi nito alam na kanina pa ito pinagmamasdan ni Cali na para bang nananaginip ito at may pangalang paulit-ulit na sinasambit. “Val,” sambit ni Cali. Dahan-dahan naman siyang tumingin kay Cali at bigla na lamang pumatak ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito sa kaniya pero imbes na sagutin ang tanong nito ay ngumiti lamang siya hinayaang muling pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. “Sshhh, you’re safe now,” sabi nito at hinawakan siya sa kamay. Sinubukan niya namang umupo mula sa pagkakahiga, ngunit bigla siyang napahawak sa kaniyang noo. Doon niya lang na-realize na mayroon pala siyang benda sa kaniyang ulo. “Sariwa pa ang sugat mo, but the doctor said you’re completely fine,” sabi ni Cali sa kaniya. Sa oras na ito ay walang ibang gumugulo sa isip niya kung ano ang nararamdaman nito sa litrato nilang dalawa na kumakalat sa social media. Muli niyang hinawakan ang kaniyang benda sa ulo saka sinubukang nagsalita. “H-how are you?” mahina ang boses na tanong niya kay Cali. “I’m fine.” Seryoso lang din itong nakatitig sa kaniya na tila alam na nito kung ano ang kaniyang tinutukoy. “Have you seen it?” tanong niya. Marahan naman itong tumango. “I’m sorry. It was my fault, hindi ko alam ang ginagawa ko nang gabing iyon,” paliwanag niya rito. “Don’t be sorry. Wala kang kasalanan.” Ipinatong nito ang kamay sa kaniyang balikat. “If you’re thinking na I’d get affected by that, I’m not,” patuloy nito. “You know, people will always have something to say about us,” dagdag pa nito. Hindi naman siya sumagot. “How about you? How do you feel about it?” tanong naman ni Cali. “It’s funny, because honestly, I don’t feel anything. I was just really concerned about you,” sagot naman niya. Napangiti naman ito sa kaniyang sagot.   “Bakit ka ba kasi naglalakad nang mag-isa pauwi?” pag-iiba nito ng usapan. “I was looking for you the whole day. I wanted to know if you’re okay, but I didn’t find you,” paliwanag ni Val. “I had to do something kaya lumabas ako ng campus, pero nang makita kong I had missed calls from you bumalik ako,” sagot naman ni Cali. “I saw you walking alone habang nasa e-bus ako kaya kita sinundan,” dagdag na paliwanag nito. “Why?” tanong niya. “What do you mean?” tanong din nito sa kaniya. “Why did you follow me?” “Tss, you really have to ask that. Walking alone at night isn’t safe. I hope you know that,” sagot naman nito sa kaniya na parang pinagagalitan siya. “Thank you… for saving me,” sambit ni Val. Ngumiti naman ito sa kaniya at marahang tumango. “What happened to those guys? Kilala mo ba sila?” tanong niya nang maalala ito. Hindi naman ito agad na nakasagot na para bang may malalim na iniisip. “No. Hindi ko sila namukhaan,” simpleng sagot nito pero nakita niyang nakatiim ang mga bagang nito at kapansin-pansin ang biglang pananahimik. Maya-maya ay biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang parents ni Val. Mapapansin sa mga mukha nito ang pag-aalala sa kaniya. Nagulat naman si Val dahil hindi niya alam kung paano nalaman ng mga ito ang nangyari sa kaniya. Niyakap naman siya ng kaniyang mama na halata pa rin sa mukha ang labis nap ag-aalala. “I kept on calling you, buti na lang sinagot ng kaibigan mo ang phone,” paliwanag ng mama niya. Napatingin naman siya kay Cali. “Ano ka ba naman, ‘di ba sabi ko sa ‘yo ‘wag kang pumupunta sa kung saan nang walang kasama. Look, what happened,” pangangaral sa kaniya ng mama niya. “Ma, I’m okay. May sugat lang ako sa noo,” sagot niya naman dito. “Sugat lang? How can you say that?” nag-aalala pa ring saad ng mama niya. “Ma, I’m really okay,” pangungumbinsi niya dito upang hindi na ito mag-alala. “Siya ba ‘yong kaibigan mo who told us what happened?” tanong nito at tumingin kay Cali na ngayon ay nakatayong katabi ng papa niya. Marahan namang yumukod si Cali nang tumingin sa kaniya ang mama ni Val. “Thank you, hijo,” sambit nito. Tumango naman at ngumiti si Cali at pagkatapos ay kinauap ito ng papa niya tungkol sa nangyari. Pansin niyang masinsinan ang pag-uusap ng mga ito habang ang mama niya naman ay inaayos ang dala nitong pagkain para sa kaniya. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Cali. “Mag-iingat ka, hijo, at salamat ulit,” paalala ng mama ni Val. Ngumiti naman ito at nagmano sa mga ito. Muli pang tumingin sa kaniya si Cali bago tuluyang lumabas. “Your friend is nice,” sambit ng papa niya. Hindi naman siya sumagot at lihim na napangiti. Kinabukasan ay nakalabas din agad ng ospital si Val, but the doctor advised him na magpahinga muna ng ilang araw. Sa loob ng tatlong araw ay hindi muna pumasok si Val. Lagi naman siyang kinukumusta ni Cali. Maging si Phoebe ay nabalitaan din ang nangyari sa kaniya kung kaya malimit din siya nitong kumustahin. Hindi maikakaila ni Val na natutuwa siya dahil may mga taong concerned sa kaniya, pero hindi niya rin maiwasang malungkot sa tuwing naalala niya si Rave. Nagtataka siya sa biglang tila pag-iwas nito sa kaniya at hindi man lang ito nagpaparamdam sa kaniya kahit sa IG. Sa university naman ay nasa library si Phoebe, pero hindi siya mapakali sa mga kumakalat na pictures nina Val at Cali kung kaya nakaisip siya ng paraan para makatulong sa kanila. He opened her laptop and search for the original post on f*******: and tried to trace the IP address. Ilang minuto pa ang lumipas ay nabigla si Phoebe sa kaniyang natuklasan. When she checked the location of the IP address ay nagkaroon na siya agd ng idea kung sino nga ang uploader ng mga pictures na iyon. Isinara niya ang laptop at nagmamadaling nilisan ang library. She went directly to the Faculty of Hospitality and Management. Phoebe has always been an advocate of LGBTQIA+ rights and whenever she knew issues regarding this ay hindi siya nag-aaksaya ng oras na hindi ito mabigyan ng atensyon. Most especially now that Val and Cali are involved. She’s always been confident in dealing with certain issues na may kinalaman sa gender discrimination. Mula sa malayo ay tanaw na niya ang taong gusto niyang makausap—si Athena. Nakikipagtawanan ito sa mga kaibigan niya na tila ba may pinag-uusapan ang mga ito. Nagulat naman ang mga ito ng tuluyan na siyang makalapit. “Can we talk?” diretsong tanong niya kay Athena. Bahagya naman itong natigilan pati ang mga kaibigan nito. Aware sila na president ng student council si Phoebe kung kaya tila namutla ang mga ito. Tumalikod na si Phoebe, nagkatinginan naman ang mga kaibigan ni Athena. Ilang sandali pa ay nakasunod na rin ito sa kaniya. Lumabas sila ng building at dinala niya ito sa spot kung saan sila unang nagkita ni Val. “It’s you, right?” kaagad na tanong ni Phoebe kay Athena. “W-what are you talking about?” sagot naman ni Athena na mukhang kinakabahan. “You’re the one who posted the pictures,” sagot ni Phoebe. “Are you accusing me?” nakataas ang kilay na sagot naman ni Athena. “No, I’m not. I am stating a fact,” kaagad namang tugon ni Phoebe rito. “Wala kang evidence, how can you say that?” magkahalong kaba at galit na sagot ni Athena sa kaniya. “Come on, Athena, how can you be so stupid?” diretsong sagot ni Phoebe. Namula naman ang mukha nito sa narinig na sinabi niya. “What did you say?” mataas ang boses na tanong nito sa kaniya. “I said, how can you be so stupid,” ulit niya na mas lalo namang ikinagalit nito. “I checked the IP address and it showed your location,” tila kaswal lamang na sabi nito. “Wala akong alam sa sinasabi mo,” patuloy na pagtatakip nito sa ginawang kasalanan. “Come on, Athena. Pagtatakpan mo pa rin ba ang ginawa mo instead of being sorry for what you did?” saad ni Phoebe na halata namang concerned pa rin siya dito. “I did nothing,” pagmamatigas nito. Bumuntong-hininga naman si Phoebe. “You know what? May be that is the reason kung bakit hindi ka magustuhan ng kuya ko. And I honestly feel sorry for him for having taken care of you without knowing na ganito lang pala ang isusukli mo sa kaniya,” mahabang litanya ni Phoebe. Hindi naman umiimik si Athena at tila umurong ang dila nito. Halata sa ekspresyon ng kaniyang mukha na may bahaging nasasaktan ito sa mga sinabi ni Phoebe pero unti-unti rin nitong na-realize ang resulta ng kaniyang ginawa. “I’m still giving you a chance, you can choose whether you take down the post and apologize for what you did or we can bring this problem to the student council and the office of student affairs,” babala sa kaniya ni Phoebe. Nabigla naman ito pero bago pa man ito makapagsalita ay nakaalis na si Phoebe. Naiwan siyang tumutulo ang luha dahil sa na-realize niyang implikasyon ng kaniyang ginawa. Now, she’s not only worried na baka hindi siya patawarin ni Cali kung hindi baka tuluyan nang lumayo ang loob nito sa kaniya. Kinuha niya ang kaniyang smartphone at binuksan ang post gamit ang fake account na ginawa niya. Binura niya ang lahat ng mga pictures pati na rin mismo ang kaniyang fake account. Pinalis nito ang mga luha at mariing ipinikit ang mga mata. Ngayon niya na-realize kung paanong mas lumala ang problema niya. Ang akala niyang solusyon sa pagiging malapit nila Val sa iasa’t isa ay tila mas nagbigay daan naman upang mas lalong mapalayo ang loob sa kaniya ni Cali. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD