"Trust me, isa akong doctor!" paninindigan ng doctor. Biglang niyakap ng doctor si Juliana at tuluyan nang umiyak ang dalaga. "Gusto kong marinig mula sa sarili mong bibig... totoo bang minahal mo na si Peter?" "Oo mahal ko siya pero..." This time nakahalata na si Juliana sa pangungulit ng doctor kaya pumiglas siya sa pagkakayakap dito. Tinanggal niya ang face mask ng doctor ng sapilitan at nakita niya si Peter. "Sabi na nga ba eh! Hay nako Peter... naiinis ako sayo!" kunot noong sabi ni Juliana. "Ang sarap mong sampalin sa mukha!" "Oh bakit ka naman nagagalit sa akin ng ganyan Juliana? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba ayaw mo akong mawala?" sunond sunod na tanong ni Peter na halatang inaasar ang dalaga. Namutla naman si Juliana sa sinabi ni Peter sa kanya, "Che! Lahat nang

