Bigla namang dumating si Peter sa harapan ng kwarto ni Juliana. Nakasuot pa rin siya ng face mask at mayroon siyang dalang paper bag sa kanyang kamay. Sa kabilang banda naman, nagluluksa ang buong black phantom gang sa pagkamatay ng kasamahan nilang si Leo na nakalibing sa kanilang kuta sa abandonadong building. "Grabe... ang sakit pala mawalan ng isang totoong kaibigan!" Sambit ni Alfred. "Isa si Leo sa close ko sa grupo natin... first time nating malagasan ng isang myembro dahil sa letseng Peter na yan!" dagdag pa niya habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Inakbayan naman siya ni Daniel na namamaga pa rin ang mga mata kakaiyak. "Alam ko ang nararamdaman mo pre... pero tanggapin na lang natin na parte ito ng trabaho natin bilang isang notorious criminals. Sadyang dehado la

