Isang buwan pagkatapos ng mga pangyayari, muling bumalik si Juliana sa kanyang bahay na para bang walang nangyari. Naging tahimik rin ang kanyang paligid at walang bakas ng panggugulo ng black phantom gang. Naging matiwasay ang buhay ng mamamayan. Habang nagwawalis si Juliana sa labas, biglang may tumawag ng pangalan niya. "Juliana, Juliana!" dalawang beses na tawag ng pamilyar ng lalaki. Hinanap ni Juliana kung saan nanggaling ang boses at lumingon siya sa bahay ni Robert. Dito pala nanggaling ang tinig ng tumatawag sa kanya. Kaagad na binitawan ni Juliana ang kanyang walis at lumapit kay Robert na naging balbas sarado na. Naka white tshirt ito at bakas sa kanyang ngiti ang pananabik ng magkita silang uli ng kanyang kasintahan. Sa sobrang sabik nila sa isa't isa, nagyakapan sila s

