Napalunok ako habang nakatayo na naman ako sa parehong gate, habang nagdadasal na sana lang ay maging maayos ang lahat. Bwesit din kasi ang dami pa ding bumabagabag sa isip ko pero kinailangan kong pumunta ngayon kahit na ang dami pa din akong tanong. Dumagdag pa ang gulong nangyari kagabi pagkatapos kasi sabihin ng lalakeng yon ang mga salitang kinagulat ko ay agad din itong umalis Ni hindi kami hinayaan na magsalita pa o magtanong. Hindi ko rin alam kong totoo ang mga sinabi nito pero kung may anak si Xianne e' bakit niya pa kakailanganin ang anak ko? Napabuntong-hininga ako at pinindot ko na lamang ang door bell dahil tulad ng iba kong mga tanong ay Hindi ko rin naman masasagot ang tanong na naisip ko ngayon sapagkat si Xianne lang ang makakasagot non isa pa sa ngayon 'di iyon mahal

