Nakaupo ako sa aking kama habang nilulunod ang sarili ko sa kawalan. "A-Anak please maniwala ka hindi totoong saya ang nararamdaman mo ngayon sabihin mo na lang k-kay mama. Kung anong nasa loob mo m-makikinig ako 'a makikinig si mama." Napailing ako saka napahiga na ng tuluyan. Hindi pa rin kasi maalis ang panggigigil ko sa aking sarili, ewan ko ba para akong baliw na nahahati ang emosyon sa galit at saya. Una masaya ako sapagkat naipakita ko sa kanila ang bagong ako, na hindi ko na hahayaan masaktan at talikuran lang nila ako pero nakaramdam din ako ng galit dahil habang naaalala ko ang aking mga pinanggagawa sa aking ina tulad ng pagsalitaan ito ng masama at itulak ito palayo ay hindi ata isang karapatdapat na gawin, sa totoo lang noong sabihin niya na gusto niyang makinig ay halos g

