Nakaupo ako sa couch ng aking bagong biling condo habang tinutuga ang aking iniinom na alak dahil hindi pa rin kasi maalis sa aking isip ang mga nangyayari nitong mga nakaraan na araw kaya ito wala akong ginagawa kundi ang magmukmok sa isang tabi. "Arggh." Daing ko at ibinaba ko ang kopitang hawak ko at napasabunot sa aking buhok. Ilang araw na ba akong ganito? Ang Idinadaan ko na lamang ang lahat ng aking inis sa aking sarili sa pag-inom ng mag-isa dito sa tahimik kong condo. Ayoko na rin kasing magyaya kasi sa ngayon wala akong ginagawa kundi pagtaguan ang mga kaibigan ko because I don't want to hear their questions at mas lalong hindi ko kayang harapin ang dalawang kambal lalo na si Rohws kaya nga kahit pumasok sa kompaniya ay 'di ko na nagagawa dahil sa konsensya na bumabagabag sa

