"Okay na sana bro, nakukuha kona ulit ang loob eh, kaso dahil sa nangyari, muling lumayo sa akin and the worst hindi ko alam ang ninloloob niya. Ni hindi ako kinikibo." Reklamo ni Robert kay Joseph ng pasyalan niya ito sa kanyang condo unit. "I know, hindi maganda sa mata ni Berlyn ang mga ikinilos ni Melanie at the bar, at naiintindihan ko siya bro." "Pero it's a week now, puwede bang mabuhay kaming hindi nagkikibuan." "Hindi ba effective naman ang panunuyo mo sa kanya? Bakit hindi mo ituloy iyon." "Paano ko gagawin ni hindi nga ako kinikibo. And actually, I did, pero feeling ko walang epekto, napapuzzle ako sa kanya, mas mabuti pang ilabas ang galit niya sa akin kaysa sa wala siyang kibo." "I know, it's hard, if you did a lot of pursuing, why don't you give her space. Kagaya ng una

