CHAPTER 8

831 Words
Naging makulay ang mga nagdaang araw kay Berlyn, lalo't naging madalas ang mga tawag at pagbisita ni Robert sa kanya na lalong nagpalapit sa loob niya. At sino ba namang ang hindi mag-aakalang hindi sila magnobyo gayong ang sobrang sweetness nila sa isat' isa ay lalong naging maigting. Ang dating mga alalahanin ni Berlyn tulad ng baka isang araw ay tuluyan ng hindi magpakita si Robert sa kanya at mga naiwang alaala sa Cebu ay tila naburang bigla sa kanyang alaala. "You know, I love being with you everytime." Bulong ni Robert habang magkatabi silang nakababad sa private pool na inarkila nito para lamang sa kanilang dalawa. Kinabig siya nito at hinagkan sa mga labi, hindi ito katulad ng dati na sandali lamang, ngayon ay parang mapupugto ang kanyang hininga, subalit hindi niya pinansin iyon sa halip ay gumanti siya sa bawat halik ni Robert dahilan upang lalong maging mainit ang mga sandali. Naging maalab ang kanilang mga labi. Damang-dama ni Berlyn ang kaligayahan dulot ng pakikipagpalitan niya ng maiinit na halik kay Robert. Kinalimutan niya pansamantala ang kanyang pag-aalinlangan. Halos hingalin sila ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Hindi tuloy makuhang makatingin ng diretso ni Berlyn kay Robert matapos ang kanilang mainit na halikan. Bigla itong nakadama ng hiya sa kanyang ginawang pagsang-ayon at pagtanggap sa mga labi nito. Napayuko siya at naghintay na bigkasin ni Robert ang mga katagang matagal na niyang hinihintay at inaasahan. Subalit hindi niya iyon narinig. Tanging pagyakap sa kanya ng mahigpit ang ginawa ni Robert. Gusto niyang maiyak ng mga sandaling iyon. Gusto rin niyang sitahin ang binata. Ngunit alam din niyang may kasalanan din siya sa mga nangyayari dahil hinahayaan niyang mangyari ang ganoon. Pinakalma niya ang sarili at sa halip ay inisip na hindi pa ito marahil ang panahon at pagkakataon, ngunit kailan pa kung hindi ngayon? Hindi ba't ang dami na niyang sinayang na pagkakataon? At marami naring pagkakataong pinalagpas si Robert upang magsabi ng kanyang niloloob. Pero paano kung wala naman talagang sasabihin si Robert at tanging siya lamang ang nag-iisip niyon? Paano kung talagang libangan lamang siya ni Robert? Kumawala siya sa mga bisig nito na tila ayaw siyang pakawalan. Lumangoy siya palayo at kunwaring nililibang ang sarili sa tubig sa kabilang dulo ng pool. "Mahal na kita Robert." Sabay tulo ng kanyang mga luha, mabuti na lang at hindi pa siya nilapitan ni Robert at nakatanaw lamang ito sa kanya na tila pinapanood ang kanyang paglangoy. Hinayaan niyang humalo sa tubig ang kanyang mga luha at kunwa ay nilublob pa ang kanyang mukha. "I hope I am not misleading, where in fact you only want me to keep you company." Bulong nito sa sarili. Agad na siyang nagyayang umuwi kay Robert at maging sa sasakyan ay hindi na siya kumibo. Hindi narin kumibo pa si Robert. Nang marating nila ang apartment, agad ng nagpaalam si Robert at ng tangkaing humalik kay Berlyn ay umiwas ito. "I'm sorry for......" Hindi naituloy na sasabihin ni Robert dahil pinutol agad ito ni Berlyn. "....I have to get inside." Putol nito. Hawak ang kamay ni Berlyn na tila ayaw bitawan ni Robert subalit si Berlyn ang tila gustong hilain na ito upang mabitawan na ni Robert. Nang pakawalan na nito ay walang lingong pumasok na sa loob ng bahay at isinarado na ang pinto. Napasandal siya sa pinto at hinayaang maglandas ang mga luha sa pisngi. Naiinis siya kay Robert. Bakit imbis na magtapat ito ng pagmamahal sa kanya ay sorry ang ibig niyang sabihin. Pinutol niya agad ang sasabihin nito kanina dahil ayaw niyang tuluyang bumigay at humagulgol sa harap nito pagkanarinig ang mga susunod pang bibigkasin. Narinig niyang umalis na ang sasakyan ni Robert. Puyat man ay hindi parin ito nagdalawang isip na hindi pumasok. Matamlay man ay pinilit gumawa ng kanyang trabaho at makipagbiruan kay Flor kahit pilit upang hindi na mag-usisa pa ang kaibigan. Nagpatuloy ang mga araw. Pilit niyang pinapalis ang lungkot at pag-asam na kahit man lang tawag sa cellphone ay maalala siya ni Robert, subalit nabigo siya. Habang tumatagal ay lalong tumutusok ang tinik sa kanyang dibdib sa alalahahing mukhang dumating na ang katapusan ng kanilang pagkakaibigan. Ang kanyang isip ay sumasang-ayon na tama lang na habang maaga pa ay maputol na ang kanilang ugnayan kung wala rin lang itong patutunguhan, subalit ang kanyang puso ay patuloy na umaasa at naghihintay. Ilang araw na nga bang hindi nagpaparamdam ang binata, hindi pala araw, linggo, buwan? Ah halos dalawang buwan na pala simula ng huli silang magkita na hindi pa maganda ang pinagkatapusan. "Hindi ko na sana siya nakilala pa para hindi na ako nasasaktan ng ganito." Bulong niya sa sarili sa pagitan ng kanyang mga paghikbi. "Napakatanga ko talaga, pinaniwala ko ang sarili kong may damdamin din siya sa akin." Himutok pa niya. Kung sanang kasama niya ng mga sandaling iyon ang kanyang mga magulang at si Lona kahit papaano sana ay mayroon siyang napagsasabihan ng mga sama ng loob at may nakapagpapayo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD