Pagod na nagpunas ng pawis si Berlyn at naupo sa tabi ng kanyang Mama matapos magtanggal ng kaniyang malapad na sumbrero. "Bakit ba pinapagod mo ang sarili mo sa pagkuha ng mga prutas? Bakit hindi mo nalamang hayaan ang mga trabahador ang gumawa niyan?" Puna ng kanyang Mama. "Nag-eenjoy naman ako Ma." Sagot ng nakangiting si Berlyn. isang linggo na itong nasa Cebu. "Alam ko may problema ka kaya nililibang mo ang sarili mo." Puna ng ina. "Mama, Simula nung bumalik ako dito hindi pa nagtatagal ipinakasal nyo na ako kaya napilitan akong sumama sa asawa ko pabalik ng maynila, sinusulit ko lang na wala siya upang makasama ko naman kayo ni Papa, namimiss ko kasi kayo." Paliwanag sa ina nito. Saka uminom ng tubig. "Hindi ka sumama sa asawa mo dahil ang dahillan mo ay ang trabaho mo pero ngay

