Amara POV Tahimik lang kami habang naglalakad papunta sa convenience store. Magkatabi pero hindi magkadikit. Ramdam ko ang presensya niya, hindi mabigat, hindi rin palayo. Saktong nariyan lang. Pagpasok namin, malamig ang hangin ng aircon. Diretso akong pumunta sa coffee machine. Sanay na ako rito—isang pindot, konting hintay. Si Damon naman, nakatayo lang sa gilid, parang hindi alam ang gagawin. Halatang hindi siya sanay pumasok sa ganitong lugar. “Kape lang?” tanong niya. “Oo,” sagot ko. “’Yung 3-in-1 lang.” Tumango siya. Tahimik siyang kumuha ng cup, sinundan ang ginagawa ko. Medyo natawa ako sa loob, ang isang Damon Macellus, seryosong sinusunod ang instructions sa coffee machine. Pagkatapos, inabot niya sa’kin ang kape. “Mainit,” paalala niya. “Salamat po.” Lumabas kami at u

