"Sasabihin ko ang nangyaring ito sa pinuno namin, Lucyva. Sa ngayon, kailangan mo munang umuwi upang makapagpahinga. Narinig ko na tapos na ang lahat ng exam mo, mas mabuti ngayon kung umuwi ka na." Tumango siya sa sinabi ni Ferriol Seev at pagkatapos ay yumuko ito. Tumalikod na siya upang lumabas nang tawagin siya nito. "Lucyva." "Sir Seev?" tanong niya. "Be careful on your way home." Nang wala nang iba pang sinabi si Seev ay lumabas na siya ng opisina nito. Mahigpit niyang hawak ang strap ng bag niya habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng building ng mga faculty. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang nangyari kaninang umaga, lalo pa ang kapangyarihan na pinakawalan niya. Napatingin siya sa kaniyang palad kung nasaan ang marka ng krus. Nakaramdam siya doon ng kakaibang mahika bago n

