"Magandang umaga." Napabalikwas ako sa aking kama nang marinig ang boses na iyon. Paglingon ko ay nakita ko si Exilar na nasa aking sofa at nagbabasa ng dyaryo. Kailan pa siya doon? anong oras siya dumating? paano siyang nakapasok sa silid ko gayong si Haze mismo ang naglock kagabi nito? "A-A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at bumangon. Nilapitan ko siya. "Hindi ba sinabi sa iyo ni Haze Corlson? simula ngayong araw ay babantayan na kita kahit saan ka magpunta," sagot niya. Napahawak ako sa aking noo. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Napag-usapan nga pala namin kagabi ni Haze ang tungkol sa pagpayag niya na bantayan ako ni Exilar. "Pero ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan niya pang pumayag para lamang mabantayan kita?" tanong ni Exilar at tumingin ito sa akin. "H-Ha?

