Chapter 46 “Nagmamadali ka? May pupuntahan?” tanong ni Seev sa kaniya. “Sir Seev...” Tumaas lang ang makakapal nitong mga kilay. “A-Ano, b-baka alam mo kung saan ang bahay ni Haze?” tanong niya. Nang banggitin niya ang pangalan ni Haze ay ngumiti si Seev sa kaniya. Mukhang alam na nito kaagad ang dahilan kung bakit niya tinatanong. “Papunta rin ako doon ngayon, gusto mo sumabay ka na sa akin?” tanong nito. Bigla ay hindi siya nakapagsalita. Nagdadalawang isip siya. Hindi maganda ang huling tagpo nila ni Seev kaya’t hindi siya makapagdesisyon ngayon kung sasama siya dito. “Lucyva, I am not an enemy. Nakakasakit iyong mga ganiyang tingin mo,” sabi ni Seev at umakto pa itong nasasaktan. Napangiwi siya nang makita ang itsura nito. “Hindi bagay sa ‘yo— Natakpan niya ang bibig nang m

