Chapter 74 Nakatingin lamang siya sa sliding door at nakatayo doon. Hindi pa rin siya gumagalaw upang pumasok simula nang makaalis si Tokio. Kaya’t nang biglang bumukas ang pinto ay napaawang ang mga labi niya. “H-Haze?” tanong ni Lucyva sa kaniya. Gulat itong nakatingin sa kaniya. Hindi nito inaasahan ang pagdating niya. “Anong ginagawa mo riyan? Halika, pumasok ka, malamig dito sa labas baka mamaya at magkasakit ka na naman.” He wants to calm down, he wants to feel at ease again after the talk that he had with his father. Galit ang nararamdaman niya kanina pa pero nang makita niya ang mukha nito ay biglang nawala iyon. Tinawid niya ang distansya sa pagitan nila ni Lucyva at niyakap ito. Haze felt his heartbeat became fast. Dinig rin niya ang t***k ng puso ni Lucyva dahil sa pag

