Chapter 21 “Do you know what happened to Gwen, Emman? Did she call you?” Kumunot ang noon ni Lucyva nang marinig niya ang sinabi ni Ellise sa kaniya. Narinig na rin niya kanina ang pangalan na binanggit nito ngunit wala pa siyang kaibigan ni Ellise na nakakaharap na ang pangalan ay Gwen. Umiling siya bilang sagot sa tanong ni Ellise. “She left the country! She was so scared because of what happened. Nainis ako sa kaniya dahil umalis siya ng wala manlang pasabi. Si Venice naman ay nakausap ko, hindi siya pinapalabas muna ng parents niya dahil nalaman ang nangyari sa ‘yo. Itong kay Gwen talaga ako sobrang nainis. Hindi niya manlang kami tinawagan para magpaalam!” Ibig sabihin ay tatlo ang kasama ni Emmanuele nang gabing iyon bago mangyari ang pagpaslang dito. “Wala akong...” napahinto

