Chapter 5
Nang maglalakad na si Lucy upang makalapit sa mga ito ay biglang sumakit ang kaniyang ulo. Nagulat siya nang magtama ang paningin nila ng babae at ngumiti ito sa kaniya.
“Kamusta ang pagpasok sa aking ala-ala?”
Napaatras siya habang hawak niya ang kaniyang ulo. Alam nito? Alam nito na naroon siya simula nang sundan niya ito? pero bakit hindi ito nagsasalita kanina?
“Mukhang nagulat kita...” sabi ni Emman sa kaniya.
Napatingin siya sa paligid. Napaawang ang mga labi niya nang makita niya na sila lamang dalawa ang gumagalaw. Parang huminto ang oras para sa mga kasama nila na naroon.
“Lucyva... Lucyva... hindi ba at Lucyva ang iyong pangalan?”
Nanlaki ang mga mata niya. Kilala siya nito!
“P-Paano mo ako nakilala?” tanong niya.
Tumawa ang babae at naupo ito sa ibabaw ng lamesa.
“Hindi ba sa parehas na gabi tayo pinaslang?” tanong nito. May hawak itong gunting at nagulat si Lucy nang bigla nitong sugatan ang sarili. Tumutulo ang dugo sa kana na braso nito.
Ngunit mas nagulat siya nang makaramdam siya ng sakit sa kaniyang braso at halos mamanhid ang buong katawan niya nang makita niyang dumudugo na rin ang kaniyang kanang braso.
“Ano...”
“Mang-aagaw ka ng katawan.” Sabi ni Emman sa kaniya habang may galit sa mga mata nito.
“H-Hindi! Hindi ko inagaw ang... ano ang sinasabi mo?” tanong niya ng may takot sa boses.
Lumuluha ng dugo si Emman! Galit na galit ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.
“Ninakaw mo ang katawan ko! Ninakaw mo!” sigaw nito at nagulat siya nang ang gunti na hawak nito ay isaksak nito sa tiyan nito.
“Huwag!” sigaw niya.
“Emman? Anak?”
“Emman! Wake up! Wake up!”
Idinilat ni Lucy ang kaniyang mga mata. Nakarinig siya ng mga boses na sumisigaw.
“Oh goodness! Maraming salamat at nagising na siya.”
Napatingin siya sa nagsalita. Sino ang mga nilalang na ito sa kaniyang harapan? Nang maalala niya si Emman ay napabangon siya bigla.
“What happened, anak? Masama ba ang napanaginipan mo?” tanong ng isang babae sa kaniya.
Panaginip?
Si Emman! Sinasabi niya na ninakaw niya ang katawan nito!
Pero sino ang mga nilalang na ito sa kaniyang harapan.
Sino sila at ano ang ginagawa ko—
Napahinto si Lucy nang maaalalal kung ano ang nangyayari.
“Kaya’t noong nais na magsagawa muli ng test sa iyo ang mga doktor dahil sa mabilis na paghihilom ng sugat mo ay hindi na ako pumayag. Ayokong pageksperimentuhan ka nila dahil lamang mabilis na gumaling ang mga natamo mong saksak.” Sabi ng ginang.
Hindi normal na maghilom kaagad ang saksak ng ganoon kabilis. Ano ang nangyari?
“Sige na, anak, magpahinga ka na. Kung may kailangan kay ay sabihan mo lang ako.” Sabi ng ginang.
Tumango siya at nang makaalis ito ay tumingin siya sa labas ng bintana ng silid na iyon. Kailangan niyang masigurado kung nasaang mundo siya at hindi niya iyon malalaman kung nasa loob lamang siya ng silid na iyon.
Gumawa ng paraan si Lucy para makalabas ng malaking bahay. Dahil sanay na sanay na siyang umakyat at baba sa matataas na puno noon sa fhyroz ay baliwala lamang sa kaniya ang ikalawang palapag ng silid na iyon.
Maayos siyang nakababa sa tulong ng puno na malapit sa silid ni Gris. Nang makalabas siya ng gate ng mansyon ay mabilis ang lakad na ginawa niya. Narating ni Lucy ang lugar kung saan maraming tao. Nalulula siya sa taas ng mga bahay sa lugar na iyon. Sa tingin niya ay hindi na ang mga iyon bahay. Iba na ang tawag doon.
Nang muling ibalik ni Lucy ang tingin sa mga tao ay napakurap ang kaniyang mga mata.
“Ano iyong nasa dibdib nila?”
Tinitigan muli ni Lucy ang mga tao at nakita niya ang kulay bughaw na apoy na nasa dibdib ng mga ito. Mayroong mahihina na ang apoy at mayroon namang malakas pa ang apoy. Ang ibang mga tao naman ay walang apoy sa dibdib ng mga ito.
“Apoy? Bughaw na apoy? B-bakit mayroon—
Natutop ni Lucy ang bibig nang makita niya ang isang pamilyar na nilalang sa Fhyroz.
“H-Hindi... pati rito?” sabi niya habang nakatingin sa isang itim na ispiritu.
Ngunit ang isa pang ikinagulat ni Lucy ay nang biglang bumukas ang bibig ng itim na ispiritu at kainin nito ang taong may mahinang apoy sa dibdib.
“A-Anong...”
Napaatras si Lucy, tiningnan niya ang kaniyang paligid at wala manlang nakapansin sa pangyayaring iyon. Ang lahat ay patuloy pa rin na naglalakad habang ang tao na kinain ng itim na isipiritu ay bigla na lang naglaho.
Dahil sa takot ay aalis na sana siya sa lugar na iyon nang biglang tumigil sa paglalakad ang mga tao sa paligid. Pati na ang bata na may hawak na ice cream na madadapa sana ay napatigil sa ere. Parang tumigil ang oras. Nang mapatingin si Lucy sa itim na ispiritu ay gumagalaw pa rin ito at mukhang may hinahanap.
Nang makita niya na may apat na nilalang na dumating ay nagtago siya sa likod ng isang sasakyan. Ang mga nilalang na dumating ay nakasuot ng itim na damit at mayroong mga kapangyarihan.
Hindi maikurap ni Lucy ang kaniyang mga mata nang makita niyang nilalabanan ng apat ang itim na ispiritu gamit ang kapangyarihan ng mga ito. Hindi siya makapaniwala na ang itim na ispiritu ay nagpapakawala ng itim na kapangyarihan na kayang sumugat sa mga kumakalaban dito.
Matapos ng pangyayaring iyon at nang mapaslang ang itim na ispiritu ay tumingin siyang muli sa apat na nakaitim.
Ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na nakita, nagulat siya nang ang isang lalake ay nakatingin na din sa gawi niya. Huling-huli siya nito!
Natutop ni Lucy ang kaniyang bibig. Naaalala na niya ang nangyari! nasaksikhan niya ang isang pangyayari nang subukan niyang tumakas. Isang grupo ng mga lalakeng nakaitim ang kumakalaban sa mga itim na ispiritu at siya...
Siya si Lucyva ay nasa ibang mundo... at nasa ibang katawan ng babaeng nagngangalang Emmanuel Gricia. Sa mundong ito kung nasaan siya maraming mga itim na ispiritu ang naninirahan ngunit ang mga isipiritung itim na narito sa mundong ito ay pumapaslang.
Diyos ko po... ano ang nangyari? at nasaan na si Emman?