Chapter 48 Nang makarating siya sa Felicitine ay kaagad niyang tiningnan sa cellphone niya kung nasaang parte ng building si Lucyva. Nang makita na nasa 4th floor ito ay kaagad niya iyong tinungo. Napansin rin niya ang mahika ng texu na hindi pa rin nawawala. Nang nasa 4th floor na siya ay papaliko na sana siya nang marinig niya ang usapan ni Lucyva at ni Seev. “I am not going to ask you again to join our organization. Hahayaan kita sa desisyon mo. But I want you to be aware of the people around you, hindi mo alam kung sino ang mga totoong kalaban.” It was Seev. So he’s really serious when he asked Lucyva about joining the Reveriz. Hindi siya kaagad lumabas sa pinagtataguan niya at pinakinggan lang ang usapan ng mga ito. Alam niya ang tinutukoy ni Seev, maraming mga kalaban, at hindi la

