"Hi, baby." Bati sa akin ni Thomas. Hindi ko siya tinignan. Palipat lipat lang ang tingin ko kila Jvory, Benedict at Frizha na ngayo'y nakakulubot ang mga noo samantalang ang mga labi ay nakahang sa ere. Mas lalong diniinan ni Thomas ang kamay niya sa baywang ko. Ang tatlong magkakapatid naman ay napatitig sa kamay ni Thomas at binalik muli sa akin. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka. "W-who is he?" Nauutal habang nakakunot ang noong tanong ni Jvory. "Y-your b-boyfriend?" Maging si Frizha ay nauutal. Nilingon ko si Thomas na ngayo'y seryoso lang ang mukha. Tinignan ko naman si Benedict na ganun din ang itsura. Nakatitig lang siya kay Thomas at ganun din si Thomas sa kaniya. Para sila nagaaway sa isip nila. Para silang nagmumurahan at nagbabantaan. "No." Malamig kong sabi at na

