"Get ready for school now, Nate." Sabi ko. Mula nang naging okay ang lahat ay mas lumiwanag ang buhay ko, namin. Noong pasko hanggang sa nagbagong taon ay doon kami namalagi sa Zambales. The Deloso family invited us to be with them. Since wala namang masama o malisya ay um-oo kami. Benedict's happy now with his family. Masaya ako na masaya siya. Kita ko naman kung paano kumislap iyong mga mata niya tuwing nagkukwento siya about sa taong mahal niya. Masaya na siya as well as me. Kontento na ako sa buhay. Si ate at kuya, may sarili na silang buhay ganun din ako. "I don't want mommy." Nakangusong reklamo ni Nate. Bumuntong hininga ako saka umupo sa gilid ng kaniyang kama. Nate's five years old. Pinaenroll ko na siya sa isang private school. "Dad, bata pa naman si Nate. Sa public nalang."

