Brattenella is now geeting mature.

2397 Words
Lumipas ang mga araw at tumitindi ang pangungulit ni Dan sa kay Marie at tumitindi naman ang pag kainis nya sa kakulitan nito. At ang mga kaibigan nya ay nag tatanong "Sasagutin mo yon? Ang panget panget non, and itim itim non?" sambit ng mga kaibigan. "Hindi!" habang iniisip ni Marie na hindi naman sya maganda para mag inarte sa mga nanliligaw pero hindi nya din talaga maisip kung saan banda nya nga ba magugustuhan ni Dan. December: Simbang gabi: Nag sisimba si Marie kasama ang mga kaibigang kaklase at habang nag sisimba ay hinahanap naman nito ang dalawang kaklase crush nito. Nakita sya ni Dan. Sinabayan sya nitoh sa pag uwi at nag mamadali syang maglakad para hindi sya nito mahabol. Sumunod na madaling araw, pag labas nya ay andon na si Dan sa labas ng bahay nila. Nagulat pa sya dahil madilim sa labas. Derederetso lang syang nag lakad at hindi pinansin si Dan. Pag dating ni Marie sa simbahan ay nakita nya ang mga kaibigan nya at lumapit agad sya sa mga ito. "Mae si Dan oh!" Sabi ng kaibigang si Marian. "H'yaan mo sya." sagot ni Marie. "Hayaan eh sabay nga kayong pumunta dito." sagot din naman ni Marian. "Nagkasabay lang kami." Mabilis na sagot ni Marie. Hiyang hiya sya sa mga kaibigan na nakita nilang kasabay nya dumating sa simbahan si Dan at nakakaramdam din sya ng inis. At dahil hindi alam ni marie pano sasabihin kay Dan na tumigil na at wala itong pag asa sa kanya, pilit nalang nya itong iniwasan. Isang gabi nangangaroling si Marie kasama ang ibang mga kaibigan nang sinabi ng mga ito na "Bakit ayaw mong sagutin si Dan eh parang Okay naman sya at matyaga naman syang nanliligaw sayo kahit hindi mo sya pinapansin" tanong ng mga ito. Hindi naman umimik si Marie. "Maganda eh!" asar ng mga ito kahit alam nya sasariling kabaliktaran ito. Nang mga sumunod na madaling araw ng simbang gabi. Napapansin na nya umiiwas na din si Dan sa kanya. Dapat pa nga sana ay ikatuwa pa nya ang ginagawa ni Dan pero hindi nya alam bakit iba ang naramdaman nya. Nainis sya kasi bakit parang hinanap na din yung kakulitan ni Dan. December 20: naiinis na si Marie kasi hindi na nag paparamdam si Dan sa kanya. Uuwi na sya ng Quezon City ng December 22 ng madaling araw kasama ang Lolo nya na tatay ng kanyang ina. Para duon mag spend ng Christmas and New Year. Nag antay sya ng mga text ni Dan. Nag aantay sya na makita si Dan sa ihawan pero wala syang Dan na nakita. Gulong gulo sya sa nararamdaman nya. Iniisip nya na pano kung ayaw na nito sa kanya pano kung may iba na itong gusto. Pano kung may iba na itong nililigawan. December 21: kakadilim palang tumabay na si Marie saglit sa ihawan habang bumibili ng inihaw na uulamin nya. "Ate Dal nasan si Dan?" Tanong nya sa Tyahin ni Dan. "Hindi ko lang alam. Hindi ko pa nakikita eh. Bakit?" tanong ni Marie kay Dal na tyahin ni Dan. "Wala naman." tugon ni Marie. Hindi na makapag hintay si Marie kasi lumipas ang oras. Saglit na oras nalang ang natitira malapit at uuwi na sya ng Quezon City. Tinext na nya si Dan. "Nasan ka?". "Bakit?" reply ni Dan. "Hindi na kita nakikita eh." reply naman ni Marie. "Eh diba ayaw mo naman akong nakikita?!" reply ulit nito sa kanys. Nagulat si Marie. Naisip nya na ramdam pala nito ang mga ginagawa nya. "Gusto kitang maka usap." reply niya kay Dan. "Bakit?" tanong ni Dan. "Mag babyahe na kami ni tatay mamayang madaling araw. After new year pa balik ko." reply naman ni Marie. "Geh ingat." reply ni Dan na ramdam ni Marie na wala itong paki elam sa mga sinasabi nya. "Sinasagot na kita." text ni Marie kay Dan. "Neh, di nga? pinag titripan mo naman ako eh." sagot ni Dan. "Hindi ah! Seryoso ako noh." Dumating na sa Quezon City sila Marie: Kakarating palang ni Marie sa bahay nila ay parang gusto na nya agad bumalik sa probinsya para makita si Dan. At natatakot sya na baka sa tagal na wala sya doon, pag balik ay may iba na si Dan. Buong Christmas vacation ay magka text lang sila ni Dan mula pag gising palang hanggang bago sya matulog sa gabi. At excited na syang umuwi ulit ng probinsya. Christmas season is now ended. Excited si Marie na umuwi ng probinsya. Kinagabihan ay dali-dali syang lumabas kasama si Joy para bumili ng inihaw kasi alam nya at sigurado syang andon si Dan na nag aantay sa kanya. Yun ang unang araw ng pag kikita nila simula nung sagutin nya ito. At malayo pa'y nakita na nga nya ito at pag kakita sa kanya ni Dan, nakita ni Marie ang napaka gandang ngiti nito sa mga mukha. "Kamusta ka?" Tanong agad ni Dan na may kilig sa pagkakasambit. "Ok lang!" tiugon ni Marie kay Dan na may kilig. Habang nakatingin lang si Joy at Dal sa kanilang dalawa na para bang kinikilig at kahit hindi sabihin ni Marie at Dan ang sitawasyon nila parang alam na ng dalawa. Unang araw ng pasok sa eskwela after ng Christmas vacation: Excited si marie na pumasok para ipaalam sa mga kaibigan nya na sinagot na nya si Dan. Pag dating sa klase wala pa ang kanilang guro. Agad nyang nilapitan ang mga kaibigan at ibinalita ang tungkol sa kanila ni Dan. Ang iba ang natuwa at ang iba naman ay nainis dahil ayaw nila kay Dan para sa kaibigang si Marie. Nung oras ng break agad niyaya ng mga kaibigang si Louise, Clarize, Jenna, Meng at Mary si Marie. Kasama din nila ang mga boyfriend ni Meng na June at Jayson na boyfriend naman ni Jenna at kasama din si Mj na pinsan ni Marie na duon kumain sa canteen na kaharap ng classroom nila Dan. Ahead sila marie ng 1year kay Dan kasi 3rd year palang si Dan Habang sila Marie naman ay 4th year kaya mag kalyo ang classroom ni Dan at marie. Tuwang tuwa si Dan ng makita nya si Marie na andoon sa canteen sa tapat ng classroom nila. Pag alis ng guro ay agad lumabas si Dan kasama ang kaibigan netong si Jowel na boyfriend naman ni Louise. Nung patapos na ang oras ng Break nila Marie ay bumalik na sila sa calssroom at dumating agad ang guro nila para sa isang subject. Nilapitan naman ng bofriend ni Jenna na si Jayson si Marie, "Kayo na pala ni Dejesus." sambit ni Jayson. Dejesus apelyedo ni Dan. "Oo tol." tugon ni Jayson. "Kinikilig ka pa ay!" sambit muli ni Jayson na tila ba ay nag seselos. Kung hindi kilala ni Marie si Jayson ay maiinis sya sa tono ni Jayson. Pero dahil nga kilala nya ito eh sanay na sya, at iniisip nalang nya ganun lang talaga ito manalita. Lumilipas ang mga araw na mag kakasama madalas si Jayson, Jenn, Meng, June, Clarize, Mary, Louise, Jowel, Mj, Marie and Dan. At pero habang lumilipas ang araw na nag kakasama si Dan at Marie ay dumarami naman ang nakakakitang mga kamaganak at kapit bahay nila Marie sa kanilang dalawa ni Dan na lagi silang magkasama. Natatakot na si Marie na baka makarating na sa lola at tiyuhin nya at ipaalam agad sa mama nya ito. Pero binalewala na muna yon ni Marie iniwasan nalang nya na may makakita sa kanila na magkalapit. Nag iinom sila ng alak na mag kakasama at may araw na hindi sila punapasok sa klase para lang mag-inom. May mga araw na hindi kasama ni Marie si Dan sa pakikipag inuman sa mga kaibigan. Dan really loves Marie. Isang sabi lang ni Marie nawala syang load agad sya papaloadan nito. Nag papahawak din si Dan ng pera kay Marie na alam ni Dan na nakakatulong sa pang gastos ni Marie. Pero nauubos ang mga perang ibinibigay ni Dan sa kanya dahil minsan ay ipinang iinom na nilang mag kakaibigan. Inililibre ni Dan si Marie ng pagkain pag magkasama sila. Kaya nag eeffort naman ito na makasama si Dan, at kaya'y naging tambayan na nilang mag kakaibigan yung canteen sa tapat ng calssroom nila Dan. Ang ibang grupo naman ng kaibigan ni Marie ay nag tatampo na kay Marie dahil sa grupo nila Mary, Louise at Meng na madalas sumasama si Marie. Until 1day they've finally decided na maging mag totropa na sila lahat and they call it "Join Force." Naging masaya ang samahan nilang lahat. Pero si Jenna at Jayson ay napapadalas ang away. Si Jayson at nag oopen kay Marie ng mga problema nila ni Jenna. Sinusubukan ni Marie na kausapin si Jenna para mapag ayos ang dalawa at ang laging sagot nito sa kanya ay, "Wala kang alam. Gusto mo kayo na mag sama." Hinayaan nalang ni Marie ang dalawa. Isang araw, si Jayson ay ipinasoot kay Marie ang singsing na isinaoli naman ni Jenna. Ayaw ni Marie suotin pero ipinilit ni Jayson. "Sige na tol. Sayo na muna ya. Suotin mo muna. Kasi baka mawala lang sakin yan." wika ni Jayson kay Marie. Kahit hiwalay na sina Jayson at Jenna ay madalas padin nakakasama ng grupo ang dalawa. At madalas na nag babangayan sa harap ng mga kaibigan nila. Nkita ni Jenna na suot ni Marie ang singsing. "Pinasoot pa talaga nya sayo yang singsing na sinoli ko sa kanya ah." sabi ni Jenna kay Marie. "Pinasuot lang muna ni jayson sakin. Pag ok na kayo kukunin nya din daw at ipàpasuot ulit sayo. Kasi baka mawala nya daw." sagot ni Marie pero ang tanging sagot lang ni Jenna sa kanya ay "Tsk!" sabay walkout. Madalas na parang nasisisi ni Jenna sa away nila ni Jayson si Marie. Laking pag tatakha naman ni Marie kasi alam naman ni Jenna na may boyfriend si Marie at alam ni Jenna kung gaano kamahal ni Marie si Dan. Ang tanging iniisip nalang ni Marie ay baliw lang talaga si Jenna. Marie realy wants to tell the world na boyfriend nya si Dan pero takot sya na malaman ng lahat dahil katakot takot na salita ang maririnig nya. Takot din sya na baka bigla syang pauwiin ng mama nya sa Quezon City. Hindi na kaya ni Marie malayo kay Dan ng mga panahong iyon. Isang araw sinabi ni Dan na ihahatid nya si Marie sa classroom nito. Tila isang magandang awit sa pandinig ni Marie ang narinig nya. At nag lakad sila ng naka akbay si Dan sa kanya. Takot ang naramdaman ni Marie dahil alam nyang makakarating iyon sa mga kamag anak nya. Pero binalewala nya nalang at dinama yung sarap sa pakiramadam na may boyfriend syang mag hahatid sa classroom nila. Isang hapon birthday ni Mary at niyaya sila nito na maginom sa bahay ng lola ni Mary na sa likod lang ng eskwelahan nila. Kasama ang ilan sa mga tropa nila. At kasama ni Marie si Dan. Nagabihan na nang uwi si Marie. Alam nya na pag uwi nya papagalitan sya pero mga oras na yon ay sinulit nya ang oras na magkasama sila ni Dan na magkayakap lang habang nakaharap sa kanilang mga kaibigan. Hindi alam ni Marie kung kelan ulit mangyayari kaya isinantabi na muna ang takot. Habang magkayakap sila ay ramdam ni Marie ang kasiyahan sa puso nya at nababalewala na nya ang takot na nararamdaman unti untin. Naglakad na sila ni Dan pauwi magkawak ang kamay nila na nakakalimutan na nilang galit ang sasalubing kay Marie. Nuon lang naranasan ni Marie mag lakad ng ganon kadilim sa daanan na yoon pero wala syang takot na narmadam kasi alam nya na si Dan ang kasama nya at pag kasama nya si Dan ay pakiramdam nya'y ligtas sya. Pag uwi sa kanila normal pinagalitan sya. Sumunod na ginabi sya ng uwi si Marie kasama si Dan. Hindi nya kasama si Mj that time. At mejo sumobra na ng late ang uwi nya. Sobrang takot nya kinasabwat nila ni Loiuse and Daddy ni louise na ihatid sila ng motor kila Marie at pag baba ni Marie ay nasa labas na ang tito ni Marie na si Ren. Kasama si Mj at Inso. Si Inso ay ang batang may gusto kay Marie nung mga bata pa sila na ng bigay pa kay Marie ng ipit ng buhok. Galit na galit ang mukha ng tito nya habang sinasabi naman ni Mj na alalang alala na ang Lola nila na si aling Anang at kung saan-saan na sila ng tyuhin nila nakarating para hanapin si Marie. Pati pa nga si Inso ay saan na din nakarating. Maya maya naman ay bumaba ng tricycle si Dan kasama ang kaibigang si Jowel na agad naman ding nakita nila Mj at tyuhing si Ren. Dumeretso naman sa ihawan ni Dal sina Dan at kaibigan nitong si Jowel. At pumasok na sila Marie. Kinabukasan pumunta si Marie sa ihawan para bumili ng mauulam. "Saan ba kayo nag punta kagabi, nag kakagulo na sila sa kakahanap sayo. Ang akala nila ay nag tanan na kayo ni Dan." tanong ng tita ni Dan. "Galing kami sa birthday ng kaibigan ko. Bakit si Dan gabi na din ba umuwi?" sagot ni Marie na kunwari'y nag tatanong din. "Oo. kasunod nyo lang sila ni Jowel ng kaibigan mo. Pagbaba nga nila ni Jowel sa tricycle na andyan pa kayo nila tito Ren mo eh, natakot pa ako. Sabi ko pa nga kay Dan eh bakit naman sinabayan pa kayo pag uwi. Bakit naman hindi muna sila nag patagal tagal pa." sagot ng tita ni Dan sa kanya. Tila alam na talaga ng lahat na pag nawala si Marie at Dan ay siguradong magkasama ang mga ito. "Eh san daw sila galing?" Sagot ni Marie na para bang totoong hindi sila magkasma ng gabing iyon. "Eh sa kaibigan daw nila nag inom daw sila." sabi ng tita ni Dan. "Ah!" nalang naisagot ni Marie. Matapos ang ganuong pang yayari ay nag doble ingat na si Marie dahil mas naging mahigpit ang pag babantay sa kanya ng mga kamag anak. Minsan ay nag dadahilan si Marie na mag pupunta lang sa computer shop para gumawa ng project. Nagugulat sya na sumusulpot nalang bigla ang tito nya. Mabuti nalang ay hindi nag tatabi si Dan at Marie sa mga lugar na pinag tatagpuan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD