THIRD PERSON's POV
SANTOS
Inihinto ko ang motor 'di kalayuan. Kunot-noong tinanaw ang gate ng bahay ni Curtis. Pinakatitigan ang mukha ng tatlong guwardiyang naninigarilyo.
“Why they looks. . . different?” nagtataka ko pang tanong sa sarili. “Kailan pa nagpalit ng bagong mga bantay si Curtis?”
Akma kong lalapitan sila ng mag-vibrate ang phone ko. Dali-dali ko iyon hinugot sa bulsa.
Suarez calling...
I pressed the answer button right away.
“Bok, balita?”
“I found him.”
“Nasaan?”
“East Harlem.”
“Anong ginagawa niya diyan mag-isa?”
“He's not alone. He was captured by our rivals.”
“What?” bulalas ko. “Hold on. 'Wag mong ibababa ang tawag.” kaagad kong pinasibad palayo ang motor ng mapagawi sa akin ang tingin ng isang guwardiya. Umikot ako sa pangalawang kanto at ipinarada sa gilid ng kalsada. Tanaw ko pa rin ang bahay nina Curtis. “Bok, are you still there?”
“Yeah... I think Curtis knows everything.”
“You think so? Ba't wala siyang sinasabi sa'tin?”
“Not sure though pero yun ang kutob ko. Hindi siya gagamitin laban kina Boss kung wala siyang natuklasan na mas mabigat na info.”
“What do you mean?”
“Narinig ko yung usapan ng mga tauhan. Hawak nila ang mag-ina ni Curtis.”
“f**k--nasaan ka ba?”
“Nasa kalsada. Sinusundan ko ang van na kinalulunaran ng tumangay kay Curtis.”
Nanlalaki ang mga matang tinanaw ko ang bahay sabay lunok. “Nandito ako sa compound ng bahay nila. Kaya pala iba yung mukha no'ng tatlong guwardiya na nakabantay sa labas ng gate. Take note; nasa labas mismo sila, naninigarilyo.”
“Sabi ni Third kay Boss Ry na nasagap ko naman kay Boss Wayne, panay padala daw ng mga videos at kung ano-anong report si Curtis kay Boss James laban kay El Salvador kaya yung isa biglang napaluwas ng bansa para sugurin yung hideout ni Hugo. Balak din puntahan sina Wrath at Joaquin.”
“Strange pero ba't si Hugo ang susugurin niya kung si El Salvador ang idinidiin sa report ni Curtis?”
“Buntis si El Salvador.”
“Damn--totoo?”
“Legit, tinawagan ko pa si Clayde.”
“He must love her that much para piliing lumayo na lang kaysa masaktan niya ang asawa niya.”
“Pinabugbóg niya nga ulit yung mga bihàg na nahuli e. Pero ang kukunat talaga. Ayaw kumanta.”
Tumango-tango ako. “Nice move. El Salvador is innocent, after all. She doesn't deserve his fury.”
“Na kay Curtis yung ibang mga ebidensya. We need to do something.”
“f**k--hindi niya naibigay kay Boss Wayne or kay Boss Ry?”
“Hindi. Kausapin mo si Curtis. Papunta siya ngayon sa mansyon nina Boss James.”
“How did you know?”
“Nilagyan ko ng tracking device yung motor niya no'ng nabanggit niya sa'kin na parang laging may nakasunod sa kanya lately. After no'n bigla niya na lang akong blinock pati yung communication device natin for emergency purposes hindi ko na din siya ma-kontak. Pinag-isipan ko na nga siya ng masama e.”
“Same. Akala ko siya ang spy, si Darleen pala.”
“Confirmed?”
“Yeah, siya si Miss D. Nakausap ko si Cyrus, nakwento sa kanya ni El Salvador na yung grupo daw ni Darleen yung púmatay kay Cherry. I wonder how Darleen ends up being Wrath's spy agent and an àssassin. Like... dekada siyang nakasama ni Boss James sa iisang bubong! Gosh, she's a pro! Malakas ang kutob kong may kinalaman din pati yung Daddy niya kaya nandun sa loob ng kwarto mismo ng parents ni Boss James.”
“Shocks! Nahanap ba nila yung Darleen na yun?”
“Walang lead. Last na kita ni Jelyn tumatakbo daw sa kalsada. Hinahabol daw ng mga armadong kalalakihan. Mga tauhan ni Giuseppe Fontana.”
“Daddy ni Hugo?”
“Yeah,”
“Strange.”
“Smell something fishy.”
“Right. Sige na puntahan mo na si Curtis--oh fùck--!”
“What's going on?”
“Umalis ka na diyan! Puntahan mo na si Curtis! Bilisan mo!” then he ended up the call.
Muli kong tinanaw ang bahay nina Curtis. Wala na yung tatlong guwardiya doon. Bigla akong sinalakay ng kaba sabay paharurot ng motor paalis.
PAGDATING ko sa mansyon nandun na nga yung motorbike ni Curtis. Dali-dali akong bumaba.
“Nasaan sila?” tanong ko sa bantay na bumukas ng gate.
“Underground.”
Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay. Nagkabanggaan pa kami ni Curtis na bigla na lang sumulpot at nagmamadali.
“f**k--Curtis--hey wait!” sigaw ko pero 'di ako nito pinansin.
Deri-deritso lang tumakbo palabas ng gate, kaagad sumakay ng motor. Tinawag ko pa ito pero mabilis na pinaharurot ang motor paalis. Hindi ako magkandaugaga sa pagsakay sa motor ko at hinabol ito. But he seems like... gusto ako nitong maiwala. Lalo tuloy akong kinutuban sa kanyang mga ikinikilos. Umiba ako ng daan.
Pagdating ko sa unahan inihinto ko ang motor sa gilid ng kalsada. Tinanaw ko si Curtis. Napakunot-noo ako ng makita kong may humarang sa kanyang itim na van. I frowned even more nang makita kong pinagtulungan ito ng dalawang maskuladong lalaki ipasok sa van.
Napapitlag ako ng mag-vibrate ang phone ko. I hurriedly took it out from my pocket. Pagtingin ko sa screen. . .
Sheriff Martin calling...
“Strange... sa tagal naming magkaibigan ngayon niya lang ako tinawagan. May nangyari kaya kay Boss Keith?” naguguluhan ko pang tanong sa sarili bago sinagot ang tawag.
“Sheriff Martin--WHAT?!” nahindik ako sa sinabi nito sa kabilang linya. “Ok--Ok I'm on my way!” halos manginig ang mga daliri sa kamay ko sa pagmamadali paghanap ng number ni Boss James. Paulit-ulit ko iyon tinawagan pero out of coverage. “Fùcking--shít--!” hinanap ko yung number ni Third. Isang ring lang kaagad itong sumagot. “Something terrible happened there in Curtis house! Manood ka ng balita naka-live. Balitaan mo sina boss!” hindi humihingang wika ko sabay baba ng tawag at isinuksok pabalik sa bulsa ang phone. Tinanaw ko muli ang kinaroroonan ni Curtis ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng makita ko ang dalawang lalaki, nakasakay sa motor ni Curtis yung isa, samantala yung isa nakatayo sa tabi nito may hawak na bazooka. Nakatutok sa...
“Oh--f**k!” bulalas ko sabay paharurot ng motor ng iputok nito iyon papunta sa gawi ko.
I speed up the motorbike even more ng paulanan nila ako ng bala.
Hanggang sa may mga sirena ng police mobile na akong narinig. Kung saan-saan ako sumuot na kalsada. Hindi ko alam kung ako ang hinahabol or yung mga nagpapaputok sa akin. Pwede rin both base sa palitan ng putok ng baril na dumaplis pa sa braso at balikat ko.
*****
RALD JAMES GONZALVO
Tila nabingi ako. Binuhusan ng isang drum na napakalamig na tubig. Tinakasan ng alak sa katawan. Nanginig ang kalamnan. Bumalik yung trauma ng nakaraan sa aking narinig. Tiningala ko si Third.
“A-Anong sinabi mo?” lahat sila napayuko sa akin pero nanatili akong nakatitig kay Third na namumutla na. “P-Pakiulit ng sinabi mo.”
“Boss--”
“Bro--”
“James--”
“T-Tama ba yung dinig ko?” tila gripong bumalong ang luha sa aking mga mata. Patuloy sa pagnginig ang aking buong katawan sa pinaghalong galit, hinagpis, pagsisisi sa ginawa ko kay Curtis kanina at awa sa mag-ina niya. “Pakiulit ng sinabi mo Third--”
“Bro,” lumuhod sa harapan ko si JM, sa gilid ko naman si Keith. “Calm down.”
Sunod-sunod akong umiling. Naninikip na ang dibdib ko sa halo-halong emosyon.
Hanggang sa hindi ko na iyon makayanan, malakas akong napasigaw, napahagulhol ng walang humpay.
“Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Hindi ko sila naprotektahan. Naka-focus lang ako sa sarili kong problema. Hindi ko inisip na yung mga taong tumutulong sa'kin maaaring madamay din ang pamilya nila.” gumagaralgal ang boses na wika ko. “Inulit nila yung ginawa sa mga magulang ko. Ang masaklap sinunog nila ng buhay yung mag-ina ni--”
Nanghihina ako, nahihilo, nasusuka pa rin pero pinilit kong makatayo. Inalalayan naman ako nina JM at Keith. Inabutan ako ni Ryan ng facetowel, isang basong malamig na tubig naman kay Migz. Kaagad ko iyon nilagok.
“Gusto kong pumunta sa bahay ni Curtis.” binalingan ko si Third. “Tawagan mo si Curtis--”
“Out of coverage na ang phone niya.”
“How about Santos or Suarez, baka kasama nila.”
Kaagad nitong kinalikot ang cellphone. Paulit-ulit nilagay ang aparato sa tainga pero...
“Parehong out of coverage na ang dalawa.”
We all cursed.
“Pero nakausap ko pa kanina si Santos. Siya mismo nag-informed sa'kin about sa nangyari.”
“Baka nandun na ang mga yun.” sabad ni Ryan. “Tara na--oh wait...” hinawakan ako nito sa braso. “Kaya mo na ba? Pwedeng dito ka na lang, kami na lang--”
“Sasama ako.” agap ko. “Gusto kong makausap si Curtis. Gusto kong mag-sorry sa kanya sa ginawa ko kanina--”
“Don't blame yourself bro,” sabad ni Keith. “Iba yung kanina, iba yung ngayon. Wala kang kasalanan. Tsaka mas mabuti siguro kung 'wag muna kayong mag-usap. Baka magsalpukan yung galit niyong dalawa. Lalo na ngayon sa nangyari sa mag-ina niya.”
“Gusto ko pa rin mag-sorry. Gusto ko siyang makita.”
Nagkatinginan sila.
Nagkibit-balikat si Keith. “Oh well, kung matigas ang ulo ko mas matigas ang bungo mo. Hindi ka pa rin papapigil for sure.”
Lumabas ako ng banyo. I still felt weak but I can manage.
“But you have to control your temper bro,” wika ni Migz sa likuran ko. “Kung anuman ang sabihin niya sayo 'wag ka na lang sumagot.”
“Naranasan ko ang nangyari sa mag-ina niya. Malamang alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon.”
“Nagpapaalala lang naman.”
Dumeritso ako sa kwarto saka mabilisan na nagpalit ng damit. Paglabas ko wala na sila sa sala kaya dumeritso ako sa garahe. Naabutan ko silang nag-uusap-usap pero kaagad huminto pagkakita sa'kin.
Kunot-noo ko silang tiningnan isa-isa ng magsipasukan na sa loob ng kotse. Saglit akong nanatili sa labas habang nakasunod lang ang tingin sa kanila saka binuksan ang pinto sa tabi ng driver seat. Si Keith ang nakaupo sa harap ng manibela.
“Anong pinag-uusapan niyo?”
“Nothing important,” sagot ni Keith sabay paandar ng sasakyan.
Tahimik buong byahe. Walang nagsalita hanggang sa makarating kami sa three storey house ni Curtis na tinutupok ng lumiliyab na apoy. Hindi pa rin mapahupa ng mga bumbero.
Nagkalat sa labas ng gate ang media, mga pulis, ambulansya at ilang bystander.
Nagkanya-kanya kaming baba ng kotse. Patakbong lumapit doon ang mga kasamahan ko na hinarang kaagad ng mga pulis. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid. Looking for Curtis. Natanaw ko itong kausap ni Sheriff Martin.
Akma ko silang lalapitan ng may mahagip ang aking mga mata 'di kalayuan. Marahas ko iyon nilingon. Nakasakay yung lalaki sa pulang motorbike. Nakaitim na jacket. Naninigarilyo habang nakatanaw kay...
Nilingon ko ang kinaroroonan ni Curtis saka muling tinanaw ang lalaki ngunit wala na ito doon. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero likod na lamang nito ang natanaw ko, mabilis na pinapaharurot ang motor. Lumiko sa sangandaan. Iwan kung saan papunta.
“OMG--si Jeff ng PRINX boy band!!” tumitiling boses ng babae.
Paglingon ko mabilis na tumatakbo si JM pabalik sa kotse. Hinahabol ng ibang paparazzi at mga kababaihan na bystander. Yung ibang reporter lalapitan sana ako pero ng makita ang madilim kong mukha kaagad umiwas. Dinumog nila yung kotse kung nasaan si JM. Yung iba naman ini-interview na si Migz na kung ano-ano lang ang sinasabi parang shunga. Tinatanong kung kakilala ba daw si Curtis at anong ginagawa dito pero yung sagot subrang layo. May pakaway-kaway pa sa camera. Hindi lang yun, bumati pa. Shout out daw sa mommy niyang si Tita Isme, nasa national TV na naman siya.
Linapitan ko si Curtis. Nasa tabi nito sina Keith at Ryan na kausap na ni Sheriff Martin.
“Curtis...”
Hinawakan ko ito sa kanyang balikat. Natigilan pa ako kasabay ng pagkirot ng puso ko ng makita ko ang itsura nito. Mugto ang kanyang mga mata pero bakit... nabugbog ko ba ito ng subra kanina kaya maraming pasa ang kanyang mukha? Pero ang tanda ko parang... tatlong beses ko lang naman yata ito sinuntok...
“Bro, I'm sorry.”
He took a heavy breathe but didn't say anything. Marahan kong pinisil ang kanyang balikat.
“I promise you, pagbabayaran nila ng malaki ang ginawa nila sa mag-ina mo.” mabilis kong pinalis ang tumakas na luha sa aking mga mata. “Hindi ako titigil hanggat hindi sila nahuhuli.”
“Boss...” humahangos na lumapit saamin si Third. “Nasa police station daw si Santos. Nakakulong.”
“Ano?” kunot-noong tanong. Napabaling din saamin sina Keith at Ryan. “What do you mean, nasa police station si Santos at nakakulong? Ba't kinulong--”
“Hindi ko alam. Tumawag lang sa'kin yung kakilala kong pulis just to informed me.”
“Kami ng pupunta--”
“Hindi, ako na--”
“You're drunk!” sabad ni Ryan. “Kami na. Dito ka lang. Samahan niyo si Curtis. Kaya na namin.” tinuro nito ang kotseng kinaroroonan ni JM na pinagkakaguluhan pa rin ng fans at media. “Para mailayo na din namin si JM sa kanila. Message niyo na lang ako kung saan namin kayo pupuntahan after.”
“OK.”
Kaagad silang umalis. Naiwan kami nina Keith at Migz.
Ilang oras pa kaming nanatili doon bago tuluyang nailabas ang bangkay ng mag-ina pati yung mga tauhan na kasama sa sunog. Curtis crashed to the ground, screaming in agony.
“Erin, Shan...” humahagulhol na boses ni Curtis. “If only I could turn back time at naging maingat ako sa mga kilos ko, hindi sana mangyayari ang lahat ng 'to. Sorry... I'm so sorry.”
Dinala ang mga iyon sa morgue. Bigla din nawala si Curtis. Iwan kung saan pumunta. May dalawang tauhan si Wayne na bigla ding sumulpot. Pumasok sa loob. Ilang oras din nagtagal doon tapos nagmamadali ring umalis.
Maya-maya dumating si Curtis, may mga kasamang lalaking hindi ko kilala ang mukha. Nagkatinginan kami nina Keith at Migz ng kunin nila ang bangkay, dinala sa crematorium. Pagkatapos dumeritso kami sa Astoria columbarium where the urns of his wife's deceased parents stored.
Sa bilis ng proseso at mga pangyayari parang nahilo yata ako lalo. Gusto kong magtanong kung bakit hindi man lang nito pinaglamayan ang mag-ina nito pero dapat pa ba? The way he grieve in front of his wife and son's urn parang wala na akong lakas pang loob na kwestiyunin ito. Nadudurog ang puso ko sa naririnig kong lakas ng hagulhol nito at sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari.
Umiwas ako ng tingin para lang matigilan sa aking nakita. Yung lalaking nakita ko doon sa compound ng bahay nina Curtis...
“Sinusundan niya ba kami?” anas ko sa sarili habang tinititigan ito.
Tinapon nito ang sigarilyo ng makitang nakatanaw ako sa kanya saka naglakad palayo. Nanatiling nakasunod ang aking mga mata sa kanya. Palingon-lingon pa ito at may tinawagan sa cellphone.
“Oh... where's Santos?” boses ni Keith.
“Wala, hindi na namin inabutan.” sagot ni Ryan.
“What do you mean hindi niyo na inabutan?” tanong muli ni Keith. “Akala ko ba nakakulong? Pa'no nakalabas yun?”
“May sumundo daw.” boses ni Third.
“Sumundo? Sino?”
“Ayaw sabihin sa'min e. Pero mukhang magkakilala naman daw yung dalawa.”
“Hindi niyo man lang pinilit sabihin?” sabad ko. “Akala ko ba kakilala mo yung pulis na tumawag, Third?”
“Yeah but... si Santos na mismo nakiusap na 'wag sabihin kahit kanino.”
“Why?”
“For safety purposes, I guess.” kibit-balikat na sagot ni Third. “Ang kwento ng mga pulis na humabol sa kanya may dalawang lalaking armadong humahabol din kay Santos sakay ng motor. Nakabarilan pa nga daw nila e. May tama din si Santos sa braso at balikat pero daplis lang naman.”
I cursed. Natigilan pa ako ng makita kong biglang umalis ng walang paalam si Curtis pero napigilan ito ni Migz sa braso.
“Saan ka pupunta?” nag-aalalang tanong ni Migz.
Pinalibutan namin ito. He took a heavy sighs.
“Gusto ko munang mapag-isa--”
“NO,” agap ko. “You'll stay in my house--”
“I said I want to be... ALONE.” madiin na sabad nito. Hinarap ako ni Curtis at matiim na tinitigan sa aking mga mata. “Ones in your life, you'll find someone loves you truly. Never take them for granted, never let them go 'cause if you lose them you can never find the same FRIEND again.” anito sabay talikod.
Nagkatinginan kaming anim.
“What did he mean by that?”
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2024