RALD JAMES GONZALVO Tiningnan ko ang orasan, pasado alas kwatro na. Lumabas ako ng bahay, natanaw ko ang mga tauhan kong nagkalat sa dalampasigan. Kanya-kanya silang pwesto, nagkukwentuhan at nagtatawanan habang kumakain. Pati yung mga bantay sa kakahuyan ganun din. Yung iba nagroronda sa paligid. “Kain, Boss!” chorus nila pagkakita sa'kin. Tiningnan ko si Chef Albarando. “Akala ko ba umalis ka na--” “Nagluto akong bago. Y-Yung para sainyo n-nandun na sa c-control room.” kandautal na wika ni Chef sabay turo sa mga tauhan ko. “M-Marami naman yung niluto ko kaya binigyan ko na din s-sila.” “Kanina pa 'yan natataranta. Baka daw magalit ka kasi pati kami pinaglutuan niya.” wika ng tauhan ko. “It's fine. OK lang Chef. Nakalimutan ko din sabihin kanina na pati sila pabigyan mo kay Cyrus.”

