RALD JAMES GONZALVO PAGKATAPOS kong kumain, nilinis ko kaagad ang buong kusina. Dumeritso ako sa Laundry room, tsenek ang mga maruruming damit at sinimulan na din iyon isalang sa washing machine. Lumabas ako ng Laundry room. Tunog ng telepono sa sala ang sumalubong sa akin. Akma ko iyon lalapitan ng huminto sa pag-iingay. Tumingala ako sa hagdanan, humakbang papunta doon ngunit muling tumunog ang telepono. Malalaking hakbang ko iyon nilapitan at kaagad na sinagot para lang matigilan sa sinabi ni Curtis sa kabilang linya. “Authentic ba yan? Pina-check mo na kay Clayde--NO I'm busy---OK. Will check my phone.” Pagkababa nito ng tawag, patakbo kong tinungo ang kwarto ni Rash. “Rash..?” tawag ko pero walang sumagot. Hinanap ko siya, but she's nowhere to be found inside her room. Dali-dali

